MSVL - 39 "Face Off "

5.1K 189 6
                                    

Author's POV

"Smangel ko...!!!"

Napalingon ang lahat ng estudyante sa lakas ng sigaw ng babae sa bukana ng school.

Ganun na lang ang pagkagulat ni aelo ng makita kung sino ang sumigaw.

"Barbie?"

Kumaway ang babae kay aelo at agad na tumakbo palapit sa kanya.

"Aaaahhh...!!!" Malakas nitong tili saka tumalon at kumapit kay aelo na parang bata kaya nagmukang-tuko na nakakapit si barbie.

"Finally! I see you na ulit smangel ko. Sobrang na-miss talaga kita" Tagalog ang ginagamit nitong lenggwahe. Pinupog ng halik ni barbie si aelo sa buong mukha nito maliban sa labi. Nakatingin lang sina rey at dara.

"I love you, i love you, i love you. Na-miss kita sobra. Mwah! Mwah! Mwah!". Patuloy ni barbie. Hindi alintana ang mga tao sa paligid na nakakakita sa kanila.

"Barbie, t-teka sandali". Pigil ni aelo. Tumigil naman ito saka ibinaba ni aelo.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka? May kasama ka ba?" Tanong ni aelo.

"Andami mo naman tanong". Sagot nito at itinuro ang lalaki na kakalapit palang sa kanila.

"Pre! Musta?" Tanong ni brent sabay apir sa kaibigan.

"Nandito ka rin?" Ngumiti lang si brent.

~~~

Canteen...

"Kelan pa kayo dumating? Pano nyo nalaman na nandito ako? Hindi man lang kayo nagpasabi para nasundo ko kayo". Tanong ni aelo.

"Ah ang sweet talaga ng smangel ko" Paglalambing ni barbie.

"We want to surprise you kasi, kaya we didn't tell you. We just arrived yesterday, tita-mama told us kung saan ang address nyo dito. Nung nagpunta kami kanina sa house nyo wala ka na dun, pumasok ka na raw kaya ipinasabay kami ng step-mom mo sa half-bro mo papunta dito. But your bastos na half-kapatid left us here kaya kami na lang kusa naghanap sayo dito, nagkanda-ligaw ligaw na nga kami here eh. Gwapo sana sya kaso masama ugali". Maarte at mahabang paliwanag ni barbie.

English-tagalog ang ginagamit nitong lenggwahe dahil hindi naman ito marunong ng salitang korean.

"Sa dami ng sinabi nya, kaunti lang naintindihan ko". Sabi ni dara kay aelo.

"What did you say?" Tanong ni barbie na medyo umarte pa.

Gumanti naman si dara ng kaartehan.

"I'm just asking aelo who you are". Sagot ni dara.

"Well then, let me introduce myself to you honey. I am Princess Jamaica Barbielyn T. Fontanilla. Angelo's girlfriend". Pagpapakilala ni barbie.

My Seductive Vampire Lover (BoyXBoy)Where stories live. Discover now