For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Hello nga pala sa mga magagandang babae diyan na nagbabasa ng story ko. Sana magustuhan niyo ang kakaibang istorya ng buhay ko.

By the way, I'm Christian Angelo Woo. Banal na banal ang pangalan ko noh? Impluwensya kasi yan ng nanay kong relihiyosa na mabilis na nahulog sa isang koreano noong nagtrabaho ito sa korea. Isang gabing pagkakamali dahil nalaman ng aking ina na may legal na pamilya ang ang aking ama.

Luhaan siyang umuwi ng pilipinas habang ipinagbubuntis ako sa edad na bente anyos. Maniwala man kayo o hindi, Noong ipinanganak ako ay natuwa ang doktor at nurse na nagpaanak sa nanay ko. Masaya akong kinarga ng doktor at sinabi sa aking ina na "Anghel ang anak nyo misis". Akalain mo yun? Anghel daw ako? Haha. Kaya ayun, halos pang-santo ang ipinangalan sa akin.

Noong bata ako, palaging sinasabi sa akin ni mama na gusto niya daw akong maging pari. Porke mukhang anghel eh kailangan mag-pari? Ang nanay ko talaga, gusto pa ako isama sa pagiging matapat na alagad ng diyos. Hay naku! Napapailing na lang ako. Pero malabong mangyari ang kagustuhan ng aking ina dahil nga sa mala-anghel kong mukha ay marami na rin akong napaiyak na babae. Hindi naman dahil sa playboy o mapaglarong tao ako. Meron lang talaga akong hinahanap sa kanila na hindi ko makita. Maging ako man ay hindi ko rin alam kung ano nga ba ang hinahanap ko, ang gulo di ba? Ewan ko ba. Pero bukod sa bagay na iyon ay normal ang takbo ng buhay ko hanggang sa dumating ang araw na nakilala ko siya.

Ang taong bumago ng buong buhay at pagkatao ko. Ang nag-iisang lalaking iikutan ng mundo ko...

My Seductive Vampire Lover (BoyXBoy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!