MSVL - 9 "Ayoko Pa Mamatay!"

6.1K 261 12
                                    

Dedicated this chapter to DeeTieM

Reminders: This story has a lot of typo errors. Tao lang po ang author, nagkakamali rin, Hehe. Ang Chapter na ito ay gumagamit ng Korean Language pero mas minabuti ko na isalin sa tagalog para mas maintindihan ng mga bumabasa, syempre may mga english words din. Hehe.

Warning: This story may contain violence and malicious words that doesn't suit to young readers. This story didn't happen in reality, only part of my wild imagination. If you are not comfortable you may leave or ignore this story. Thank you.

Angelo's POV

Ramdam ko ang lamig sa buong katawan ko. Malakas din nagkaluskusan ang mga halaman at puno sa paligid. Nakaka-relax ang hangin at katahimikan dito.

"Pampa-init oh" inalok sakin marcus ang isang bote ng alak.

"Salamat" saka ko kinuha ang bote, May hawak din itong bote.

Sumandal din ito sa harap ng kotse na kung saan ako nakasandal. Pareho naming pinagmamasdan ang ganda ng tanawin. Hindi ko alam kung anong lugar ito pero nasa mataas na parte kami kung saan kitang-kita sa baba ang halos kabuuan ng seoul. Dalawa lang kaming magkasama ni marcus ngayon dahil mahimbing ng natutulog si dara sa loob ng kotse, si reyven naman ay basta na lang umalis pagkatapos kumuha ng alak at hindi man lang nagpaalam kung saan pupunta.

"Ang ganda ng view" sabi ko sa kawalan.

"Ngayon ka lang ba nakapunta dito?" Tanong ni marcus. Tumango lang ako.

"Nami-miss ko na sya"

Kahit hindi ako nakaharap kay marcus ay kita sa gilid ng aking mata na tumingin siya sakin.

"Sino? Yung girlfriend mo?" Tanong nito. Ngumiti ako.

"Yung kauna-unahang babae sa buhay ko" sagot ko, Muli itong uminom ng alak.

"Malamang nami-miss ka rin nun, Medyo mahirap yang LDR nyo."

"Kung pwede nga lang na hindi sya iwan, gagawin ko. Hindi kasi ako sanay na malayo sa kanya" patuloy lang ako sa pagsasalita. Ewan ko ba kung bakit feel ko ang pag-e-emo ngayon. Nami-miss ko na talaga kasi si mama eh.

"Natatakot ka ba na ipagpalit ka niya?"

"Hindi, dahil sigurado akong hinding-hindi niya ako ipagpapalit sa iba. Mahal na mahal na ako nun eh" nakangiti kong sabi.

"Eh bakit hinayaan ka niyang umalis? Dapat pinigilan ka niya" tanong ni marcus. Napapangiti ako, akala talaga niya girlfriend ko ang tinutukoy ko.

"Alam kong masakit din para sa kanya yun pero pinilit niya magpakatatag dahil alam niyang para sa ikabubuti ko yun. Nagsakripisyo para sakin" pagkukuwento ko. Ininum ko ang laman ng bote.

"Sa mga sinasabi mo parang siya na talaga ang pang-habang buhay mo ah?" Hindi ako sigurado pero parang malungkot ang boses niya. Siguro nadadala lang siya sa kadramahan ko. Anak ng tokwa, kalalaki kong tao eh nagda-drama ako ng ganito, Pero ito talaga ang nararamdaman ko eh.

My Seductive Vampire Lover (BoyXBoy)Where stories live. Discover now