MSVL - 34 "Nakakainis!"

4.4K 198 2
                                    

Rey's POV

Hindi ko akalain na mararamdaman ko na naman ang sakit na ito, sakit na matagal na panahon ko ng hindi naramdaman, ung sakit sa pakiramdam dahil sa nakita kong takot sa mga mata ni aelo kanina. Matagal ko ng tinanggap na walang kahit na sinomang tao ang makakatanggap sa katulad namin, pinili kong mag-isa at lumayo sa mga tao kahit pa namumuhay ako sa mundo nila, walang malalapit na kaibigan o mahal sa buhay. Alam kong malaki ang posibilidad na sabihin ni aelo ang nakita nya at ang tungkol samin pero kahit sa hinagal ay hindi ko sya kayang saktan.

Napabuntong hininga na lang ako sa dilim. Naramdaman kong may paparating.

"R-Rey?" Nanginginig ang boses nya, ang boses na yun? Bumalik sya?

"N-nandyan ka pa ba?" Tanong nya. Nakatago ako sa dilim, mas minabuti kong wag magpakita sa kanya dahil hindi pa rin nagbabago ang mukha ko.

"Ano pang ginagawa mo dito? Binigay ko na sayo ang tyansang mabuhay, bakit ka pa bumalik?" Tanong ko.

"H-hindi ko alam..." kalmado ngunit may konting kaba pa rin sa boses nya.

"Ang tigas talaga ng ulo mo, gusto mo talaga mapahamak?"

Lumabas ako sa dilim at nagpakita sa kanya, inaasahan kong tatakbo sya pagkatapos nya ako makita dahil sinadya kong magpakita na naka-anyong bampira upang matakot sya at tuluyan ng umalis pero bahagya lang syang napaatras.

Angelo's POV

Flashback

Nakalayo na ako ng bigla ko naisipang huminto, nakakapagod, nakakahingal at nakakagulat ang lahat ng nakita ko. Pinilit ko pakalmahin ang aking sarili.

"Bakit ka huminto? Masusundan ka nya" sigaw ng isang bahagi ng utak ko.

"Bakit ka tumakbo?" Tanong ng kabilang parte ng aking isip.

"Nakakatakot ang halimaw na yun"

"Anu ba ikinatatakot mo aelo? Ang taong yun ay si rey"

Magkaibang bahagi at magkaiba rin ang sinasabi ng utak at isip ko.

Bakit nga ba ako tumatakbo? Kasi natakot ako sa halimaw na yun? Di ba yung halimaw na yun, yun ang taong ilang beses ka ng niligtas, niligtas sa kamatayan at kapahamakan. Ano ka ba naman aelo? Kahit anu pa ang itsura at pagkatao nya, sya pa rin si rey.

My Seductive Vampire Lover (BoyXBoy)Where stories live. Discover now