Chapter Eighteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"Gosh!" sambit ni Horen sa kabilang linya. "Sorry, Jhay! That was so insensitive of me! Dapat hindi ko iyon sinabi. I thought-"

"Nandito siya, Ren."

Katahimikan ang pumailanlang sa pagitan naming dalawa, wari ba'y walang nais magsalita. Hindi ko alam kung ano ang iniisip o naiisip ni Horen sa mga oras na ito dahil wala naman ako doon para makita ang reaksyon nito. Madali lang naman kasing basahin si Horen kaya isang tingin mo lang dito ay mahuhulaan mo na agad ang naiisip nito sa iba't ibang paksa.

"What did you just say?" putol ni Horen sa katahimikan sa pagitan namin.

"Nandito siya, Ren."

"Oh, gosh! I am hearing things," overreact ni Horen.

"Nandito siya, Ren. Nandito siya," pagpipilit ko pa dito.

"Tae ka! Narinig ko!" medyo may kalakasang sagot nito sa akin na kailangan ko pang ilayo ng kaunti ang telepono sa tainga ko at ngumiwi. "H-hindi lang ako makapaniwala."

"Neither do I."

"Paano kayo nagkita? Ikwento mo sa akin," pag-uutos nito sa akin. Bubuka palang sana ang bibig ko para magkwento nang magsalita uli ito. "And when I say 'magkwento ka', that means in full details. Wala kang kakaligtaan."

Tumawa naman ako bago umpisahan ang kwento ko. Ikinuwento sa kanya lahat mula umpisa, pati pagkatapon ng ice cream sa akin, ang mga naramdaman ko habang kasama sina Yuya at Trevor, at ang pagtingin sa akin ng mga tao noong umiiyak akong pauwi. Hindi rin nito pinalampas ang pag-iyak ko sa kwarto at ang mga tanong ko sa sarili ko habang nagdadalamhati sa napulbos kong puso. Throughout the conversation (or maybe storytelling), hindi nagsasalita si Horen na ilang beses ko pang inakalang binabaan na ako nito ng telepono.

"Congratulations, Jhay," umiiyak na bati sa akin ni Horen pagkatapos kong ikwento sa kanya lahat.

"Congratulations ka diyan!" natatawa kong sagot dito habang nagpupunas ng luha.

"Congratulations dahil nanalo ka ng Most Martyr Award!" pilit na pagpapatawa nito sa aming dalawa. Mayamaya lang din ay tumigil ito. "Pero pwera biro, binabati kita kasi naging matatag ka, isang bagay na ako mismo ay nahihirapang gawin. Kung ako nga ang nasa lugar mo, baka doon pa lang sa amusement park, nag-suicide na ako."

"Wala rin naman akong choice kundi ang magpakatatag e."

"Kaya nga binabati kita e. Medyo tanga ka nga lang." At tumawa ito.

"Do you really have to state the obvious?" kunwaring naiirita kong sagot dito.

"I have to," pagsakay naman ni Horen. "Baka sakaling matauhan ka pa." Muli itong tumawa ng malakas sa kabilang linya.

"Pero sa totoo lang, maraming salamat sa iyo, Ren," sinsero kong sabi rito. "Gumaan ang loob ko kahit papaano."

"Naku! Wala iyon! Basta kung may drama ka sa buhay, lapitan mo lang ako. Alam mo naman diyan lang tayo magaling e," natatawang sabi nito. "So paano? Ibababa ko na ito, a? Hinihintay ako ni Moises sa baba e."

"Hep hep!" pigil ko rito nang may narinig akong hindi pamilyar na pangalan. "Sino iyang Moises na iyan?"

"Iyong genie na sinasabi ko sa iyo noong nagpahula tayo."

"At anong ginagawa diyan, aber?"

"Inaaya akong maggala at kumain sa labas e."

"Sino nagsabing pwede ka pang lumabas ng ganitong oras sa gabi?!" Tumingin ako sa orasan. "Ten-forty five na o?!"

"Did you just forget that you're in Japan?" parang bored na tanong sa akin ni Horen. "It's only nine-thirty ditto sa 'Pinas."

"Gano'n ba?" parang napahiyang sagot ko dito. "Pero hindi. Hindi ka prin pwedeng lumabas!"

"Sorry, Daddy, pero lalabas pa rin ako."

"Hindi ka talaga papapigil na bata ka!"

"Tae ka!" natatawang sigaw nito sa akin. "Kailangan ko rin namang lumandi ng kaunti, 'no?!"

"Kaunti ka diyan! Kapag ikaw na ang nag-umpisang lumandi, bigay lahat ka!"

"Tae ka talaga! Ipamukha pa raw sa akin ang katangahan ko noon!" Tumawa ito bago naagpatuloy. "Huwag kang mag-alala. Si Moises naman ang kasama ko e."

"Iyon nga e," sambit ko rito. "Hindi ko kilala iyang kasama mo."

"Aba! Problema mo na iyon," natatawang sagot nito. "Try mo kayang bumisita rito, 'no?"

"Sa susunod na. Basta ingatan ka niyang Moises na iyan at pasado na siya sa akin."

"Oo na," natatawang sagot nito. "Ibababa ko na ito. Kawawa naman iyong tao at kanina pa naghihintay sa akin sa baba."

"Sige na! Lumandi ka na!"

Tinawanan lang ako nito bago nito binaba ang tawag. Ibinalik ko naman ang telepono ko sa ibabaw ng bedside table.

Napabuntong-hininga ako. Minsan talaga mapapaisip na lang ako kung bakit ko ba naging kaibigan iyong si Horen. Pero mas napapaisip ako kung paano kaya ako kung hindi ko siya naging kaibigan.

Malaki ang pasalamat ko sa tawag na iyon ni Horen dahil totoong gumaan ang pakiramdam ko kahit kaunti. Okay rin kasi na maglabas ng nararamdaman sa ibang tao. Nakakagaan ng loob. Kaysa kimkimin ko ito hanggang masiraan na ako ng ulo.
Masaya rin ako para kay Horen dahil kita naman rito na naka-move on na siya sa nangyari sa kanila ni Mikel. Huwag lang sanang sayangin noong Moises na iyon ang hirap at oras na iginugol ni Horen para lang makaahon sa sakit na ipinaranas sa kanya ng hinayupak nitong ex.

Hindi ko rin maiwasang hilingin na sana dumating ang oras na maging katulad ako ni Horen. Iyon bang tapos na phase ng buhay kung saan puro sakit at lungkot lang ang nararamdaman ko. Gusto ko ring mahanap ang taong magpaparamdam sa akin na ako lang nakikita niya, na akin lang ang oras niya.

Darating din ang oras, alam ko, na may magmamahal sa akin katulad ng pagmamahal ko kay Trevor.

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon