Chapter 11: Mind Games

Começar do início
                                    

"Sige na. Chichén Itza, Mexico," sabi ni Marcus.

"Grabe, pati lugar?" Sabat naman ni Chad bago nilingon si Hiro. "Si Hiro muna bago sakin ah. Ayos lang ba?"

Tumango na lamang si Hiro dito. “Sige lang Kuya.”

"Christ the Redeemer Statue, Brazil," sagot ni Chino.

"Oy Hiro ikaw na hahaha," tawang-tawang sabi ni Mark.

“I'm not really sure if the city in the clouds… Aw sorry. I mean, the Machu Picchu in Peru belong to the 7 Wonders of the Modern World or just the seven wonders…" nagkakamot ng batok na tanong ni Hiro.

Napatanga dito sila Mark at Chad.

Bumilib naman sina Chino at Marcus. Ni hindi nga nila alam na city in the clouds pala ang tawag sa Machu Picchu.

"Tama yan. It was even mistakenly called as the lost city of the Incas," sabat naman ni Mason na nakikinig pala.

"Thanks Kuya Mason!" Nakangiti namang baling ni Hiro dito na hindi pinansin ng isa.

At dahil hindi na nakasagot si Chad ay may consequence itong natanggap. Kailangan nitong uminom ng kalahating tasa ng suka. Halos maluha luha ito sa asim kaya tawa sila ng tawa.

"Iba naman Kuya," sabi ni Mark na pasimpleng iniiwasan ang consequence.

"Sige, capital na lang ng country," sabi ni Chino. "Ako magtatanong. Pabilisan. Kapag nasagot na niya, siya naman magtatanong. Ayos ba?"

"Ano naman ang consequence ng mali ang sagot?" Tanong ni Chad na gustong makabawi.

"Isang basong toyo naman hahaha," sabat ni Hiro na sinang-ayunan din ng lahat.

"Ayos. Kapag nakadalawang mali na, iinom siya ng isang basong toyo. Sige game! Georgia?" Simula ni Chino.

"Atlanta," sagot ni Marcus. "Chile?"

"Santiago Kuya!" Sagot ni Hiro.

"Wuyyyy! Sali ako! Sali ako!" Sabat naman ni Charlie na nainggit na. Lumapit ito at tumabi kay Marcus.

"Huwag ka na. Hindi mo naman alam eh. Magcellphone ka na lang," asik dito ni Hiro.

"Alam ko kaya yan! Nasa geography kami ngayon daaaah!" Pairap na sagot nito kay Hiro.

“HAHAHAHA… DAAAAAH!!!” sabay-sabay na pag-ulit ng mga kuya nito. Halos humagalpak pa sa sahig si Chad sa pagkakarinig kung paano bigkasin ng bunso ang ekspresyon na ‘duh’.

"Pagbigyan na ang bunso. Si Charlie ang magtatanong," nakangiting awat ni Marcus na sumakit din bigla ang tiyan sa kakatawa. Binelatan muna ni Charlie si Hiro bago nagsalita.

NYORKOnde as histórias ganham vida. Descobre agora