Sixteen

99.6K 2.3K 52
                                    

Sherrie


Mahirap mag-abang ng taxi kaya minabuti kong mag-LRT na lang pauwi. Naglalakad na ako papunta sa LRT station nang sumulpot si Enrique sa tabi ko.

"Cripes!" Sinapo ko ang dibdib ko. Heto na naman siya, nanggugulat!

Kinuha niya sa akin ang bag ko. Magpoprotesta sana ako pero may kung ano sa aura niya ang pumigil sa akin na gawin iyon.

Why does he look so serious?

"Maghintay tayo rito. May magdadala rito ng sasakyan," he said, still serious and a bit distant. Katunayan, hindi siya tumitingin sa mukha ko. May nangyari ba? Bakit siya ganito?

"Uh..." Tumingin ako sa mga taong naglalakad sa sidewalk, baka kasi mayroong taga-St. Michael's. Doon pa lang siya tumingin sa akin at 'yong tingin niya ay obvious na hindi natutuwa sa pagka-paranoid ko.

What's going on? Bakit para siyang galit?

Huminto sa kalsada ang isang impressive white Ferrari. May lalaking bumaba roon. Binuksan ni Enrique ang pinto sa passenger's seat at iminusyong sumakay ako. Hesitantly, pumasok ako. Ramdam ko na sa amin nakatingin ang lahat ng tao sa paligid.

Inabot ng lalaking naghatid ng Ferrari ang susi kay Enrique. Nag-usap sila sandali bago umikot si Enrique sa driver's side at sumakay na rin. Pinaandar niya ang sasakyan.

"Who was that?" tanong ko.

"Employee sa company namin."

"I see. And whose car is this? Sa daddy mo rin?"

"Mine. Ipinabili ko kanina kay Tito Harvey, ang CEO ng company namin. With Dad's permission, of course."

"Kanina ka lang nagpabili pero naihatid agad dito ang sasakyan?" Grabe. Parang bagong backpack lang ang ni-request niya.

"Naayos na ni Tito Harvey ang pagbili rito bago ito kinuha ni Anthony, 'yong lalaki kanina, sa showroom. Why do you look so shocked? You know that I'm a Delhomme, and rich people are used to getting what they want in a snap of the fingers, Sherrie."

Nanibago akong muli sa kanya. Oo nga at hindi niya kailanman itinago na galing siya sa isa sa mga pinakamayaman at prominenteng pamilya sa Europe at Pilipinas, pero simpleng tao, simpleng estudyante, pa rin siya kung umasta. Pero para siyang ibang tao ngayon.

"Ngayon na tayo mag-dinner date," he said.

"Huh?"
"Lalabas tayo tomorrow night. Ngayon na natin gawin. Nagpa-reserve na ako sa restaurant."

May pakiramdam ako na hindi magandang ideya na tumanggi ako dahil mamasamain niya iyon. Nagbago lang ang mood niya pero parang ibang lalaki na ang kasama ko. I didn't know how to deal with him.

"Have you been to The Abbey before?"

"Oo. Maraming beses na." Isa iyon sa mga paborito naming hangout place ng dati kong college friends. Hindi na ako masyadong nakakapunta roon mula nang magsimula na akong magturo dahil naging napaka-busy ko na.

"Doon tayo kakain," he said.

Habang bumibiyahe, tahimik lang kami. Nakakailang ang sandali. Para siyang may iniisip na hindi niya ikinatutuwa dahil magkasalubong ang mga kilay niya.

Jeez, bumalik ka sa dati. Ayoko nang ganyan ka.

Narating namin ang Downtown Abbey. Para na rin akong nakakatapak sa Europe kapag nandito ako dahil sa mga buildings at establishments rito. Mataas rin ang energy dito dahil karamihan sa mga taong dumadayo rito ay hip young professionals.

AN AFFAIR WITH PRINCE CHARMING ✔️Onde as histórias ganham vida. Descobre agora