Nakagat ko ang labi ko. He's in a bad mood. Watch your mouth, I told myself. Crap. Ayoko talaga nang ganito siya. Nakakataranta.

Nang iabot na uli ng sales clerk ang jacket kay Enrique ay pumunta siya sa likuran ko. "Itaas mo ang mga braso mo." Isinuot niya sa akin ang jacket. Weird. Pakiramdam ko, mas matanda siya sa akin nang maraming taon dahil sa assertiveness na ipinapakita niya.

"It fits you," he said. Then he kissed me lightly on the lips.

Namigat ang mga mata ko habang magaan na humahaplos ang mga labi niya sa mga labi ko. It was the first time na naging sweet and romantic siya mula nang lapitan niya ako sa sidewalk. I wanted more, pero bumaling na uli siya sa sales clerk.

Pag-alis namin ng Versace store, nagpunta na kami sa Dutch House. The restaurant was cute, homey and well, very Dutch. Sa terrace sa second floor kami dinala ng headwaiter. May tatlong tables roon pero lahat ay may nakalagay na RESERVED sign.

Nagpadala si Enrique sa waiter ng two glasses of wine at appetizers: croquettes and cheese plate.

"Isa ito sa mga restaurant ng family ko dito sa Downtown Abbey," he informed me. "Ang buong family ko rin ang bumuo ng concept ng restaurant na ito. We travel a lot. 'Yong mga napi-pick up naming business ideas during our travels, dito sa Pilipinas nagma-materialize. With the help of Tito Harvey, of course."

Na-imagine ko ang buong family niya na namamasyal sa iba't ibang bansa sa Europa habang nakasuot ng winter clothes.

"It must be wonderful being able to do that. Travelling all over the world with your family."

"Yeah." Tumango siya pero sa wineglass siya nakatingin, parang ang layo na naman ng iniisip, and I felt scared again.

Dinala ba niya ako rito dahil gusto niya akong tanungin tungkol sa pinakamalaking pagkakamali na ginawa ko sa buhay ko? Hindi ko iyon gustong pag-usapan. Mas gusto ko na lang iyon na makalimutan, maglaho, kasabay ng pagdaan ng panahon. It was less uncomfortable that way.

"Did you love him?"

Drats! Bakit tumama ang iniisip ko? Sana hindi na lang. O kaya, sana tumakbo na ako nang magkahinala ako. This was so... awkward.

"What's his name by the way? Hindi ko naitanong sa classmate ko na nagkuwento sa akin ng colorful past mo sa St. Michael's ang pangalan ng almost boyfriend mo nang estudyante ka pa."

Tumingin ako sa ibaba ng restaurant, sa mga taong naglalakad sa kalsada. Pinipiga ko ng mga kamay ang palda ko. I felt guilty, ashamed.

Dumating ang waiter dala ang wine, bread at cheese. Parang gusto kong sumama sa kanya nang bumaba siya.

"Bakit hindi ka nagsasalita?" he asked.

"L-let's not talk about him, Enrique."

"I want to. Ano'ng pangalan niya?"

Dinilaan ko ang mga labi ko. "Garreth."

"He was your first real kiss?"

Tumango ako.

"You kissed him, and he had a girlfriend."

"Alam ko na iyon, hindi mo na kailangang ulitin." Why was he being like this? Hindi ba niya nakikita na hindi ako komportableng pag-usapan si Garreth?

"Mahal na mahal mo siya at handa kang maging pangalawa lang?"

Napabuntonghininga ako. Marahil ay mas mabuti pa nga na sabihin ko na sa kanya ang lahat ngayon. Para wala na akong itinatago sa kanya.

"Yes, I loved him. Pero hindi ako proud sa nagawa ko noon, okay? Dahil alam kong mali na makipagrelasyon ako sa kanya kahit alam kong may girlfriend siya.

"Ang sabi niya, ako ang mahal niya pero hindi niya maiwan ang girlfriend niya dahil papatayin siya ng tatay nito. I know, napaka-lame ng excuse niya pero pinaniwalaan ko dahil in love ako sa kanya at tanga ako. Magaling rin siyang mag-convince. Masigasig siyang manuyo sa akin. Napaniwala talaga niya ako na ako ang mahal niya at hindi ang girlfriend niya.

"Then, one day, pinuntahan ako ng girlfriend niya sa school. Hindi niya ako ineskandalo. Sinabi niya lang sa akin na makipaghiwalay na ako kay Garreth dahil pinaglalaruan lang ako ni Garreth. Isa lang daw ako sa mga babae niya. Hindi ako naniwala. Inisip ko na gumagawa lang siya ng paraan para iwan ko si Garreth. I really believed na totoo 'yong meron sa amin ni Garreth, that it was something worth fighting for. Until ako na ang makakita ng ebidensiya. Nahuli ko siyang may kasamang babae... at hindi 'yong girlfriend niya. I found out that he was a womanizer at isa ako sa mga tanga na nagpaloko at pumayag na magpagamit sa kanya para masaktan ang girlfriend niya na kabaro ko at walang ginawang kasalanan sa akin."

Naging masama akong babae dahil kay Garreth and for what? Not for a great love gaya ng inakala ko kundi para sa isang relasyon na puno ng kasinungalingan. So there goes my first "grand romance."

"Do you still love him?"

"I don't! I stopped loving him a long time ago. Itinuturing ko na lang siyang isang pagkakamali."

"A mistake or not, you still loved him. Binigyan mo siya ng chance kahit hindi niya maibibigay nang buo ang sarili niya sa iyo dahil hindi na siya malaya. But why can't you give me a chance? Is that cheating bastard better than me? Karapat-dapat siya sa pagmamahal mo pero ako hindi?"

"Enrique, it's not like that. Ilang ulit na natin itong napag-usapan—"

"At paulit-ulit na walang sense ang idinadahilan mo, Sherrie," mariing wika niya. "I'm not your student. Hindi masamang makipagrelasyon ka sa akin. Mahirap bang intindihin iyon?"

"Hindi malawak ang pag-iisip ng lahat ng tao. Gagawin nila iyong issue at ayoko na malagay na naman sa sentro ng usap-usapan. Nagturo ako sa St. Michael's hindi lang dahil matagal ko na iyong pangarap, but also because I was trying to redeem myself. Ayoko na iwan ko ang St. Michael's na sira ang pangalan ko. I owe that to my father and deceased mother, dahil ang kasiraan ko ay kasiraan rin nila."

"At ako ang sisira uli sa iyo? Iyon lang ako sa iyo?" Halata sa boses niya ang sakit.

I realized that he was acting like this because of what happened to him in childhood. He was looking for complete acceptance from others. Ang huling kailangan niya ay taong tulad ko na itatago o ikahihiya ang presensiya niya sa buhay ko—dahil ganoon na ang ginawa sa kanya ng mother's side niya noon.

Oh God. Ngayon ko lang naikunsidera ang maaaring epekto sa kanya ng paulit-ulit na pagtanggi ko sa kanya nang nakalipas na mga araw. Siguradong may binubuhay iyong negative emotions deep inside him. At ang naging reaction niya roon ay ang lalong ipagpilitan ang sarili sa akin. Kaya siya nagiging makulit.

"It's not you, Enrique. Walang problema sa iyo. You're every girl's dream guy. Ako ang may problema. Kailangan ko lang siguro ng... ng time. Nahihiya pa ako sa ginawa ko dati kaya masyado akong conscious sa image ko ngayon. Just give me time, please?"

He regarded me for a long moment. "Are you sure? All I have to do is wait, pagkatapos ay maririnig ko na ang gusto kong marinig sa iyo?"

"Yes." Hindi ko alam kung kailan iyon mangyayari pero ayoko munang isipin sa ngayon.

"Okay." Pinasadahan niya ng kamay ang buhok niya. "I'm sorry kung parang pine-pressure kita, cherie. I hate this day. Dahil nalaman ko ang tungkol sa kanya. Ni hindi ko kayang isipin noon na may ibang lalaking nakahalik sa iyo. Pagkatapos ay nalaman ko na may minahal kang lalaki noon. Dumilim ang paningin ko. Literally."

I felt even worse. How come I have this kind of effect on him? Hindi ako perpekto. May mga bagay akong ginawa noon na mas gusto ko na lang na kalimutan. Marami akong mistakes at hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong nagkakamali. I didn't know if I deserved him.

Kinuha niya ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa at inilapit sa bibig niya. "Let's make this day better, cherie."

"How?"

"Magpunta tayo sa family house namin sa Uptown Abbey. I want to make love to you there."

AN AFFAIR WITH PRINCE CHARMING ✔️Where stories live. Discover now