Ipinarada ni Enrique ang white Ferrari sa isa sa mga parking lots ng Downtown Abbey. Bawal magpasok ng sasakyan sa masisikip na eskinita ng Downtown Abbey. Kaya karamihan sa mga tao rito, naglalakad. Maganda naman ang tanawin kaya walang problema.

Sinenyasan ako ni Enrique na maghintay. Bumaba siya at ipinagbukas ako ng pinto. "Iwan mo na lang ang bag mo. Hindi mo iyan kakailanganin."

"Okay." Bumaba na ako.

Kinuha ni Enrique ang kamay ko nang paalis na kami ng parking lot. Hindi ko tinangkang hilahin ang kamay ko. Natuwa pa nga ako nang hawakan niya ang kamay ko dahil kanina pa parang ang layo niya.

"Saan tayo kakain?" I asked.

"Dutch House."

"I love that restaurant!"

"Great," tugon niya, parang malayo pa rin ang iniisip.

"Ano'ng problema? Kanina ka pa wala sa mood diyan. May nakaaway ka ba? Sino, daddy mo, kasi nagpabili ka ng brand-new Ferrari?" pagbibiro ko.

"Hindi gagawing issue ni Dad kahit magpabili ako sa kanya ng jet plane. Ibibigay niya iyon sa akin, no questions asked."

"Then why are you like that?"

"I'm mad."

Napalunok ako sa dalawang salitang iyon. Iba pala kapag "angel" ang nagsabi na galit siya. Parang nakakakonsensiya na agad kahit hindi pa niya sinasabi ang dahilan. Kaya pinili ko na lang na huwag magtanong kung ano ang ikinakagalit niya dahil hindi ako sigurado na handa akong marinig ang sagot. Mabuti pang isipin ko na lang na may nangyari sa school kanina na nagpa-bad trip sa kanya, like baka may nakaaway siyang classmate.

"Nilalamig ka?" he asked.

"Huh?"

"You're shivering."

"Uh... medyo nilalamig nga ako dahil wala akong jacket at palubog na ang araw."

I wasn't cold. I was... scared. Dahil kahit gusto kong paniwalaan na may nakaaway siyang classmate, hindi iyon naging hadlang para tumakbo at bumuo ng konklusyon ang isip ko. Does he already know? Estudyante siya sa St. Michael's. Hindi malayo na malaman niya ang tungkol doon isang araw.

"Ibibili kita ng jacket."

"No need."

Hindi siya nakinig sa akin. Dinala niya ako sa isang upscale store. Years ago, nagsimulang magbukas sa Downtown Abbey ang mga ultra-high-end brands gaya ng Chanel, Louis Vuitton, Gucci, etc. Versace store ang pinasok namin.

"Uh, Enrique, huwag dito. Sa iba na lang."

"Magaganda ang jackets nila dito."

Lumapit siya sa isang rack at pumili sa iilang naka-hanger na jackets. Kinuha niya ang isang white leather jacket na may kulay gold details. Hindi ko na kailangang tingnan ang tag para malaman na more than one hundred thousand pesos ang presyo n'on dahil tumitingin-tingin rin naman ako sa fashion magazines minsan. One hundred thousand, para sa isang jacket! I wanted to die.

Ibinigay niya sa sales clerk ang jacket at credit card niya. "Huwag n'yo nang ilagay sa paper bag. Just remove the tag."

"Yes, sir," sabi ng sales clerk na titig na titig kay Enrique, mukhang namumukhaan siya. Well, he was one of the heirs to The Abbey, hindi nakapagtataka kung kilala man siya ng mga tao roon.

"Baka mapagalitan ka ng daddy mo sa pagbili n'on." sabi ko kay Enrique.

"Sherrie, I told you before to stop treating me like a kid. Kahit ang daddy ko, hindi ako itinuturing na parang bata dahil alam niya ang mga kakayahan ko," iritadong sabi niya.

AN AFFAIR WITH PRINCE CHARMING ✔️Where stories live. Discover now