#Dreamers (SUNDAY)

Start from the beginning
                                    

Where's the patient Austin I know?

Ding Dong!
Ding Dong!

Nagkatinginan kami ng may marinig kaming nagdoor bell sa labas, Wala naman kaming Ineexpect na bisita ah!

"Tsk! Im sure it's jerome again! That bastard!" Inis na sabi nya.

Napairap ako, Parati nyang pinag iinitan si jerome, Wala naman ginagawa yung tao sakanya ah!

Tumayo na ko at pumunta sa labas, Baka importante 'to, At alam kong di ito si jerome dahil kung sya yun tiyak ako na hindi na sya magdodoor bell pa.

"Good afternoon" Napangiti ako nang bumungad sakin ang nakangiting si Angelo, Kapitbahay lang namin sya Isa sa mga mababait na kapitbahay.

"Good afternoon" Sagot ko sabay tingin sa lolo nyang nasa tabi nya lang "Iiwan mo ba muna ulit sya dito?" Nakangiting tanong ko, Dito nya kasi madalas iwan ang lolo nya kapag may pupuntahan sya.

"Kung ayos lang sana sayo?" Nag aalinlangang sabi nya.

"Oo naman, Ang bait bait kaya ni lolo" Ngiting sabi ko.

"Salamat naman" Tila nakahingang maluwag na sabi nito "Hmm Babalikan ko nalang sya dito mamaya, Thank you ulit llian ha?" Nakangiti ring sabi nito.

"No problem" Sagot ko sabay lapit kay lolo "Kamusta po lo?" Nakangiting tanong ko.

Hindi ito sumagot bagkus ay nginitian nya lang ako, Yung ngiti na parang sinasabi nya na apo nya rin ako.

"Lolo wag po kayong malikot dito ha? babalikan ko nalang po kaya agad" Baling nya sakanyang lolo.

Tumango lang ang matanda "Gusto ko dito sakanya" Sagot naman ni lolo.

Natawa naman si angelo "Alam ko lolo kaya nga dito muna kita iiwan" Sabi nito.

bumaling naman sya sakin "Paki nalang sakanya llian ha?" Tumango lang ako bilang pag aasure sakanya "Sige! Alis na ko..." Pagpapaalam nya.

"Sige! Ingat ka" Nakangiti ring sagot ko.

Pagkaalis nya ay inalalayan ko nang pumasok si lolo sa loob, Malakas pa si lolo at nakakapaglakad pa, Ang problema nga lang ay mahina na ang pandinig nito saka may pagkaisip bata din ito minsan, Ganun nga siguro kapag tumatada na.

"Kaninong boses ng lalaki ang narinig ko kanina?" Tanong ni Austin ng hindi nakatingin sakin, Kaya siguro di nya pa napapansin si lolo.

"Ah Si angelo yun...." Sagot ko.

Napatingin naman ito sakin at kunot noong napabaling ng tingin kay lolo sa tabi ko "Sino yan?" Takang tanong nya.

"Lolo ni angelo" Nakangiting sagot ko sabay alalay kay lolo paupo sa sofa malapit sakanya.

"Sino ba yang angelo na yan? At bakit nya iniiwan ang lolo nya sayo?!" Inis na sabi nito.

"Kapitbahay ko sya austin! May pinuntahan lang sya kaya nakiusap nya na kung pwede dito muna ang lolo nya" Paliwanag ko, Init na naman ng ulo nya.

Meron kaya 'to? "Pumayag ka naman?" Inis na tanong nya.

"Ofcourse. mabait naman 'tong si lolo eh" Pangangatwiran ko.

"Tsk!" Sagot nya lang saka na nanahimik.

---****---

Nanunuod kami ng movie nang biglang magsalita si lolo "Llian?" Napatingin kami sakanya.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Kailan kayo magpapakasal ni angelo?" Seryosong tanong nya.

Natawa lang ako, Ito ang tanong na pinaka paborito nya "Lo, Nag aaral pa po kami" sagot ko naman.

Sabi nga ng mama ko dapat sakyan mo lang ang mga tanong ng mga matatanda.

"So, Pakakasalan mo yun?" Rinig kong bulong ni Austin.

Tiningnan ko lang sya ng masama "Matanda 'tong kausap ko Austin Ok?" Kanina nya pa kasi pinag iinitan ang pakikipag usap ko kay lolo "Atsaka respetuhin mo nga si lolo" Panenermon ko.

Umismid sya "I respect him llianizza" Sabi nya ng hindi nakatingin sakin "Ayoko lang yung nakikipaglapit ka sa ibang lalaki!" Dagdag nya na nagpalakas ng tibok ng puso ko.

OMG!! Anu bang gusto nyang iparating?! Bakit ganito nalang kabilis ang tibok ng puso ko? Pakiramdam ko anumang oras sa ngayun ay pwede na akong mahimatay dahil sa hindi normal na pagtibok ng puso ko.

Napatingin ako sakanya ng padabog itong tumayo at walang sabi sabing tumalikod sa kinaroroonan namin.

"A-Austin....sa....sandali! a-anu yung si-sinasabi mo n-na?" Pinutol na naman nya ang sasabihin.

"---Again llianizza!" Seryosong sabi nito habang nakatalikod saamin "You make me jealous again....." He said before he left.

I make him jealous again? Kalakip ba nang selos na pinaparamdam ko sakanya ay yung paulit ulit kong pagpatay sa puso nya Ulit? pero impossible na naman yun hindi ba? May nicole na sya! So, bakit nya pa sinasabi na nagseselos sya? Nilalaruan nya ba ako?

Kasi kung Oo, Sana itigil nya nalang ito!

"Boyfriend mo ba yun llian? Mukhang nag away kayo ah? Dahil ba sakin?"

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now