#Dreamers (CARING)

Start from the beginning
                                    

"What are you doing?" Tanong nya sabay tingin sa bendang diko pa natatanggal.

Ang hapdi kasi!!Waaa kung alam ko lang na ganito ang mararanasan ko sana di na ko tumakbo.

"Tinatanggal ko na kasi 'tong benda, Kaya lang nahihirapan ako! Humahapdi kasi yung sugat" Nakangiwing sabi ko, Diko na talaga kaya! Akala ko pa naman maaalis ko na ito ngayun.

Nang akmang ititigil ko na sana ang ginagawa ko nang bigla syang lumapit sakin at itinuloy ang ginagawa ko "Hindi naman kasi dapat ikaw ang gumagawa nito, Dapat nagpapatulong ka" Sermon nya na ikinangiti ko.

Ayos! Kapag pala sya ang magtatanggal di mahapdi haha I wonder kung paano nya yun nagawa? Dahil siguro sa magaan ang kamay nya, Pwede na syang maging doctor hahaha "Kanino naman ako magpapatulong?" Sayo? hihi...Gusto ko sana kaya lang nahihiya aketch! ay! Landi ko noh?

"Kay jerome...." Napaiwas ako ng tingin.

Why he sound jealous again?

Haay naku! Ang hirap pala ng ganito, Yung umaasa ka sa isang bagay na hindi mo alam kung mapapasayo ba

:( Sana di ako mapagod Austin, Ayoko kasing huminto sa pagmamahal sayo.

"Llianizza...."

Napalingon ulit ako sakanya "H-Ha?" May sinasabi ba sya? Ayt! Nage-space out na naman ako.

"Ang sabi ko natanggal ko na" Sabi nya sabay abot sakin ng benda "Malaki din pala ang sugat mo, Kaya siguro mahapdi kapag ikaw ang nag aalis ng benda" Seryosong sabi nito na tila doctor.

"Austin...." Tinitigan ko sya sa mukha, Napakagwapo nya talaga :) Kahit mukha syang pagod na pagod "Thank you" Sincere na sabi ko.

Thank you for everything :) Thank you dahil bumalik ka ulit kahit di para sakin.

Tumango lang sya saka na tumayo "Take care of yourself llianizza I dont want you to get hurt" Sabi nito bago umalis.

Anu daw? Anu yung mga huli nyang sinabi? Ang lungkot ng boses nya, Kaya lang binulong nya lang yung mga huli nyang sinabi.

Pero bat sya bumulong?

Hay.......Anu bang problema Austin? Anu bang nangyari satin? Kasalanan ko diba? Sana mabalik ko yung dati, Miss na miss na kita.

Sandali ko pong puputulin ang inyong pinapanood para sa isang inaabangang balita....

Kunot noo kong nabaling ang mga mata ko sa television, Nanunuod nga pala ako.

Kani-Kanina lang ay nakita namin ang dalawang sikat na couple ngayung taon na Tila nagkakasiyahan sa loob ng isang sikat na restaurant.

Nanikip ang dibdib ko nang lumitaw ang mga larawan nila nicole at austin sa screen ng T.V.

Ang sakit!! Pati ba naman T.V pinapamukha na sakin ang katotohanan.

Sinubukan namin silang kunan ng iilang interview kaya lang ay tumanggi-----

Padabog kong pinatay ang T.V, Kung pwede nga lang wasakin ko na 'to eh!! Nakakabwisit! Pati ba naman balita!

Oo sikat sila! Pero diba nila naisip na may nasasaktan dito!!! Nakakainis talaga!!! bwisit!

*Mahal kita
pagkat mahal kita
iniisip nila na hindi mahalaga
mahal kita maging sino ka man*

Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito.....

Babybestfriend Rose ann calling......

"oh?" bungad ko sakanya.

"Wow ha? wala man lang hello O kamusta" Umirap lang ako.

"Bat ka ba tumawag?  Anung nakain mo?" Ang tamad kaya nitong mag CP, Wala nga itong tinatawagan na kahit sino,Maliban nalang kapag matindi ang pangangailangan nya O kaya may importante syang sasabihin.

" *sigh* I see the news a while ago, I just want to check if you are ok?" Nag aalalang tanong nito.

Napabuntong hininga din ako "I-Im ok....don't worry" Pag aasure ko.

"Are you sure? Baka di ka komportable dyan? lalo na at kasama mo sya sa iisang bubong" Nag aalala pa ring sabi nito.

Haaay.....Nasabi ko nga pala sakanila ang tungkol sa pagtira ni austin dito, Komportable nga ba ako na kasama ko sya dito? Ang hirap hirap talaga.

"I'm fine beb.....And pakisabi nalang kay kyna na ayos lang ako" Sigurado kasi ako tatawag din yun maya maya lang.

Ganyan ang mga beb ko, Parati nila akong inaalagaan at pinoprotektahan, Kaunting bagay lang na alam nilang ikakasakit ko ay iiiwas na nila.

They are caring.....

They are my beb......

"O-Ok....Love you beb" Sabi nito.

Ngumiti ako "Love you too beb.....bye!" I said then I hanged up.


Kahit papano swerte pa rin ako sa mga kaibigan ko, Im still bless to have them.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now