#Dreamers (HATE HER)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Don't play the food nicole...." Kalmadong suway ulit ni Austin.

Napatingin naman sakanya si nicole saka ngumiti "Hmm sorry...Hindi ko to makakain Allergic kasi ako sa kare kare eh" Nakasimangot na baling nito samin.

Napakuyom ako ng kamao! Leche! "Edi mag tubig ka nalang! Don't tell me allergic ka rin dun?!" Di ko napigilang ibigkas.

"Hey chill!" Nakangising sagot naman nito.

Sinamaan ko sya ng tingin "Kung allergic ka sa kare kare sana di mo nalang yun tinanggap! Di yung bababuyin mo nalang at Di yan niluto ni jerome para lang paglaruan mo!! B*tch!" Inis na singhal ko sakanya.

"Enough!" Suway ni mama.

"It's ok llian..." Bulong sakin ni jerome.

"I think you need to go home nicole" Napatingin ulit ako sakanila.

"What?!"

Tumayo na si Austin saka kami hinarap "Pasensya na po sa gulo"

"Come on nicole, Ihahatid na kita" Baling nya sa demonyo.

"Fine" Padabog naman itong tumayo at naglakad palabas ng bahay NAMIN.

"You should teach your girlfriend  some respects!"  Madiing na sabi ko.

"Im sorry" Sabi nito sabay takbo palabas ng bahay para sundan si nicole.

"That b*tch!" Bulong ko.

"Enough"

Napatingin ako kay mama, Kalmado lang itong kumakain at nanatiling kalmado kanina pa.

"Bakit mo po ba hinayaang makapasok dito ang babaeng yun ma?" Inis na tanong ko.

"Pamilya na rin sya ng papa mo" Napanganga ako sa simpleng sagot nya.

"So, Si papa pala ang dahilan" Di makapaniwalang sabi ko "Ni hindi mo man lang po naisip ang mararamdaman ko!" Diko sya maintundihan paksh*t!! Puro nalang si papa ang iniisip nya.

"Llian...." Nag iwas ako ng tingin ng lingonin nya ako.

"Why ma? Ako ang nandito pero sya pa rin ang iniisip mo" Tumayo na ko, Nakakawalang ganang kumain "Ganun mo sya kamahal? Para makaya mong tanggapin ang mga kasalanan nya! Panu naman ako ma? Panu naman tong pesteng nararamdaman ko!"

"Hmm mabuti pa siguro ilalabas na muna kita" Pigil sakin ni jerome.

"Mabuti pa nga siguro" Walang ganang sagot ko.

Nauna na kong lumabas ng bahay kesa kay jerome, Pakiramdam ko di na ko makahinga sa sarili kong bahay! Nakakainis!!

"Hindi mo dapat ginanun ang mama mo" Sabi nya pagkahabol nya sakin.

Nilingon ko sya saglit "Wag ngayun jerome, Wala ako sa mood para pakinggan yang mga pangaral mo" Walang ganang sabi ko.

Natahimik naman sya pero saglit lang pala yun.

Anu bang aasahan ko sa isang madaldal na jerome "You hate her?" Tanong nito.

"Who?" Patay malisya na tanong ko.

"Nicole" Sagot nya na nagpainit ng ulo ko.

Tsk! Marinig ko lang talaga ang pangalan nya, Nanginginig na ko sa galit.

"Ofcourse! Ang arte arte kasi" Inis na sabi ko.

"Yun lang?" Napatingin ulit ako sakanya, Yun lang ba?

Nagiwas ako ng tingin "Oo". simpleng sagot ko.

"You're jealous right?" Sabi nito na nagpakunot ng noo ko.

"Why would I" Am I jealous? Ofcourse you are Sagot ng puso ko.

"Alam ko namang sya pa rin hanggang ngayun" Malungkot na ngiti ang ipinakita nito sakin.

"Jerome..." Malungkot na Banggit ko sa pangalan nya.

Alam kong nasasaktan sya....Lalo tuloy akong naguiguilty.

"Ayos lang....Im here to be your bestfriend remember?" Nakangiting sabi nito.

"Yeah" Simpleng sagot ko.

Napatingin ako sa paligid, Sa park pala kami dinala ng mga paa namin :)

Dito sa park kung saan marami nang nangyari.

"Masakit pa ba?" Tanong nya bigla.

"Ang alin? Itong sugat sa ulo ko  O itong sugat sa puso ko?" Sa totoo lang pareho silang kumikirot, Mas malala nga lang yung dito sa puso ko.

"Ang swerte nya" Sabi ulit nito.

"Bakit naman?" Takang tanong ko.

"Kasi mahal mo sya" Napatingin ako sa langit Oo maybe swerte sya, Maybe not!

Natahimik na kami pagkatapos nun, Hanggang sa bigla nya nalang akong hilain papunta sa mga batang naglalaro.

----***----

Hello dreamers :)

Sorry for low updates!

Hi!
llianizza guevarra:)
Kyna cristobal :)
Rose ann corro :)

Mga bebe bestfriends ko po yan *Proud* :))

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon