Chapter 27 - Balcony sa 19th Floor

17 9 0
                                    

Mabuti na lang nag-jeans at blouse ka lang para sa movie date n'yo ni Bryan. Pero kinailangan mong tanggalin ang doll shoes mo para magawa mo ang plano. Habang binabangga na ng stalker ni Bryan ang pinto ng kuwarto, maingat na kumilos ka na pababa para sa balcony ng 19th floor.

Ang lakas ng kaba mo! Sinikap mong huwag tumingin sa kalye sa ibaba.

Naipagpasalamat mo nang nailapat mo ang mga paa mo sa pasimano ng balcony sa ibaba. 'Yun nga lang, talagang banat na banat ang mga braso mo sa pagkakakapit mo sa pinakang-ibabang railings ng balcony sa 20th floor. Iniisip mo na kung ano ang susunod mong gagawin. Biglang bumagsak ang pinto ni Bryan. Nakapasok na nga si Melody!

Sa pagkataranta mo, dumulas ang isang paa mo sa pasimano ng balcony sa 19th floor. Natuluyan ka nang mahulog!

Napapikit ka na lang. Manonood sana kayo ni Bryan ng 'Star Wars'. Pero feeling mo nasa 'Spiderman' movie ka ngayon. Only, hindi ka si Spiderman at wala ring Spiderman na magliligtas sa 'yo.

-End-

_________________

>Tragic naman, kung ayaw mo ng ending na 'to, go to CHAPTER 29 - Fingers Crossed.

________________

*Image photo credit: http://img12.deviantart.net/0d34/i/2011/289/0/1/spider_man_by_frelsaren-d4d25lh.jpg




Choose Your Destiny: The Right GuyWhere stories live. Discover now