Chapter 19 - No Dinner with Bryan

27 11 6
                                    

Mukhang mabait at mapagkakatiwalaan naman si Bryan. Tiwala ka na magpapaka-gentleman ito sa date n'yo kung sakali. Alam mo, na gusto rin nitong lumabas kayo ngayong gabi. Kitang-kita naman sa reaksyon nito. Pero ayaw mo itong pangunahan.

Kung mahiyain Si Bryan. Kasalanan na niya kung hindi kayo makakapag-date. Dapat naman kasi na siya ang mag-voice out diba?

Ang sabi mo mabuti na rin ang ginawa mo. Gusto mo na manghinayang si Bryan na hindi ka nito na-i-date. Magkaroon na ito ng confidence na igiit ang gusto the next time.

Pero mukha yatang ikaw ang nanghinayang.

Nang makauwi ka sa bahay n'yo ay hindi ka pinatulog ng imahe ni Bryan - ng sweet na smile nito at kakatwang gawi nito bilang isang torpeng tao. Wala pa sigurong nagiging girlfriend si Bryan, hula mo. Dahilan nito para sumali sa Dating Game!

Inisip mo na lang ang mga magiging romantic escapade n'yo ni Bryan sa Paris, a week from now. You think, deserve ni Bryan na magkaroon na ng girlfriend. Kung hindi pa rin ito gagawa ng hakbang ay tutulungan mo na ang binata.

Handa ka na ring bigyan ang sarili mo na magkaroon ng boyfriend. Kinilig-kilig ka sa excitement.

The next day, habang pakanta-kanta ka pang bumaba para mag-breakfast kasalo ng mga magulang mo, nahagip mo ng tingin ang binabasang dyaryo ng Daddy mo.

Kinilabutan ka. Pero gusto mo munang makasiguro.

"Da-dad, pahiram po... pwede?"

"Namumutla ka, Hija? Bakit?" puna ng Mommy mo.

Hindi ka sumagot, sobra ang kaba mo nang umpisahan mong basahin ang nakita mong headline ng newspaper. Pamilyar kasi ang lalaking nakabulagta sa sidewalk. Although, may takip naman itong dyaryo sa mukha habang tigmak ng dugo ng bahaging dibdib nito, ang makisig na stature nito at suot na puting polo at jeans ay pamilyar sa 'yo.

Pinanlakihan ka ng mga mata. Nahanap mo na sa balita ang pangalan ng biktima: Bryan Mendez, isang college professor ng U.P. Los Banos.

Nalintikan na! Wala na pala ang makaka-date mo sa Paris.

Ayon sa headline, pinatay raw ng isang pinaghihinalaang serial-killer ng campus nito si Bryan.

Bukod sa sobra ang hinayang mo kay Bryan, napaawa ka rito. Ni hindi man lang siguro nito naranasan ang makipag-date. At kasalanan mo 'yon dahil hindi mo siya binigyan ng chance nang lumipas na gabi na may pagkakataon pa sana kayo..!

-End-

_____________________

>Tsk! Tsk! Sana naka-kiss man lang sana sa 'yo si Bryan! Go back to CHAPTER 15 – Yes Dinner with Bryan.




Choose Your Destiny: The Right GuyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora