Chapter 7 - Goodbye, Miles!

49 9 0
                                    

Tinangka ka pang habulin ni Miles. Mabilis na nakasakay ka na sa dala mong kotse. Broken-hearted ka. Pero nagpapasalamat ka sa Diyos na nakita mo kaagad ang kulay ni Miles. Na tunay ngang playboy ito. Napahiya sa 'yo si Claire nang magkwento ka tungkol kay Miles. Nangako itong hindi na uli makikialam sa love life mo.

Nagpaka-busy ka ng mga sumunod na buwan sa Venus Fashion - boutique n'yo. May mga bago kang nakilalang mga binata at mga manliligaw. Pero nawalan ka na ng interes sa paghahanap ng forever. Na-trauma ka kasi nang dahil kay Miles.

Isang gabi habang nagsasara ka, isang SUV ang tumigil sa harapan ng boutique mo. Si Miles ang lulan ng sasakyan. Guwapo, matangkad at elegante pa rin ito matapos ang tatlong buwang lumipas. Pero mas pumayat ito. Kapansin-pansin din ang pangingitim sa ilalim ng mga mata nito. Dahil marahil sa puyat.

"Gusto kong mag-sorry," taimtim na saad sa 'yo ni Miles.

After three months? Ngayon lang nito naisipang mag-apologize? Bakit? Na-windang ka sa isipin.

_______________________

>Kung sa tingin mo ay pinagloloko ka lang ni Miles, go to CHAPTER 17 – Please, Stop!

>Kung bibigyan mo uli ng chance si Miles, got to CHAPTER 18 – Okay, Makikinig ka.







Choose Your Destiny: The Right GuyWhere stories live. Discover now