Chapter 1 - Dating Match

179 23 21
                                    

Today is the day. Feeling mo, matatagpuan mo na ang forever mo...

Mula sa sampung kalahok, tatlo na lamang ang mga bachelor na pagpipilian mo. Lahat sila ay edukado at magaganda ang boses. Pero katulad ng sistema ng ibang dating game show, nakakubli sila sa likod ng stage. Ikaw lamang ang nakikita ng tatlong binata habang sinasagot nila ang mga tanong mo.

Nasa gitna ka ng stage kasama si Kylie, isang sikat na T.V. personality. Habang nakatutok sa inyo ang cameraman, komportableng nakaupo kayo sa isang couch habang isinasagawa ang programa.

Maganda ang iyong host pero confident ka na maganda ka rin. May ibubuga ka rin naman kasi. Matangkad ka at seksi. Lalo ring nagpaputi sa 'yo ang suot mong dress na royal blue. Mommy mo ang pumili ng design kaya disente ang tabas ng bestida mula sa maiiksing manggas hanggang sa pantay-tuhod na haba nito.

Nakalugay ang buhok mo at syempre, may make-up ka na lalong nagpalutang sa mestiza beauty mo.

Ikinakilig mo ang huling question na binasa mo sa mga bachelor.

"Wala raw forever, dahil lahat daw ay may katapusan. Naniniwala ka ba rito?"

Panis na linya! Hindi ka makapaniwalang itinanong mo ang bagay na ito sa mga kontestant.

Si Miles ang unang sumagot. Isang businessman. "Oo naman. Diamonds are said to be forever. Kung pipiliin mo ako, magiging dyamante ang pag-ibig ko sa 'yo."

Kinilig ka. Nagpalakpakan naman ang mga audience sa loob ng studio.

"Hindi ako naniniwala sa forever. For a life time pa and if you'll choose me, for a life time kitang mamahalin." Si Bryan ang sumunod na sumagot. Isa itong propesor sa U.P. Los Banos.

May point din naman. Minus kilig. Pinalakpakan din nila ang binata.

"Agree ako kay Brian." Huling tumugon si Jonathan, isang singer ng di kilalang rock band. "Sa kabilang buhay raw, magiging magkakapatid na tayo. Wala na raw mag-asawa roon o magkasintahan. Malilimutan na raw natin ang isa't isa. Pero hindi kita kalilimutan, hahanapin pa rin kita kapag naroon na tayo. Itatanong kita kay Lord. Mamahalin kita forever."

Pinakamalakas ang palakpakan kay Jonathan. Aminado ka, nagustuhan mo rin ang sagot nito.

Now, your moment. Matapos mag-talk ng iyong host sa audience, kailangan mo nang pumili.

Ang contestant na mapipili mo ay makakasama mo sa dalawang araw na all-expense paid trip sa Paris.

Hindi mo kilala ang mga bachelor. But all of them seemed to be promising...

________________________

>To choose your destiny, go to CHAPTER 4 - The Bachelors

______________

*Image photo credit: http://img13.deviantart.net/2608/i/2015/094/b/b/commission__dipper_and_pacifica_by_manu_chann-d8og3pj.jpg







Choose Your Destiny: The Right GuyWhere stories live. Discover now