Chapter 8 - Jonathan, Rock Singer

50 12 3
                                    

Bukod sa kwelang sagot ni Jonathan, naintriga ka sa binata dahil sa pagiging singer nito. Hindi kilala ang banda ng bachelor pero sa pakiramdam mo ay pang-celebrity ang pagkatao ni Jonathan. Napaka-confident kasi nitong sumagot. Sure ka rin na maayos ang hitsura nito.

"I choose Jonathan," sabi mo kay Kylie.

"Sure ka?" biniro ka pa ng magandang host ng Dating Game. "Wala ng bawian, ha?"

Sa nakangiting pagtango mo ay nagpalakpakan na ang mga audience na nakapanood sa inyo. Namataan mo sa crowd ang bestfriend mong si Claire at ang boyfriend nitong si Alex. Nag-thumbs up ang dalawa sa 'yo. Nag-wave ka sa kanila. Kung sakaling si Jonathan na ang magiging forever mo ay mahahalikan mo si Claire. Ang kaibigan kasi ang nagpasok sa 'yo sa Dating Game.

Inimbitahan na ni Kylie sina Miles at Bryan sa stage. Parehong mestizo ang dalawang bachelor. Mas matangkad si Miles kay Bryan. Ang huli ay nakasalamin, pero cute din ito katulad ni Miles. Nang bigyan ka ng dalawang lalaki ng tig-isang stem ng pulang rosas ay kinabahan ka. Parehong mukhang maginoo sina Miles at Bryan, gentleman din kaya Jonathan? Ayaw mo ng barumbadong lalaki -

Ang Jonathan na lumabas mula sa likod ng tabing ay matangkad at may pantay-balikat na buhok. At tama ka, pang-celebrity ito. Full of confidence na humakbang ito para sa 'yo. Moreno si Jonathan, taliwas sa puti nina Miles at Bryan. Pero guwapo rin ito... may hilatsa nga lang ng pagka-bad boy na parang aayawan mo! Naging matipid ang ngiti mo kay Jonathan nang nakawan ka nito ng halik sa mga labi.

Kinikilig na nagsigawan ang mga nakapanood sa inyo, sa studio. Dapat kasi ay sa pisngi ka lang hahalikan ni Jonathan!

Iniabot ni Jonathan sa 'yo ang bouquet ng pulang mga rosas.

"Sa-salamat," nag-stammer ka kay Jonathan. Nailang. Medyo nainis ka kasi rito. Siguro ay dahil hindi mo nagustuhan ang pagkapresko ni Jonathan. Na ninakawan ka nito ng halik sa lips!

_______________

>Kung sa tingin mo ay ayaw mo kay Jonathan at ayaw mong makipag-date rito, go to CHAPTER 22 – Huwag na Lang!

>Kung sa tingin mo ay na-miss judge mo lang si Jonathan at gusto mo itong bigyan ng chance, go to CHAPTER 24 – Try Natin!

_________________

*Image photo credit: https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/4/4e/Andrew_WK.jpg





Choose Your Destiny: The Right GuyWhere stories live. Discover now