Chapter 26 - Let's See!

24 8 2
                                    

Kunwari ay hindi mo napansin. Nainteres ka sa pakulo nito.

Is Jonathan going to drug you? Pero bakit? Na-excite ka pa!

Pagagalitan ka ng mga magulang mo pero naging napakadumi ng isip mo. You told yourself, why not? Wala naman sigurong balak na ibenta ka ni Jonathan sa white slavery. Mahuhuli kaagad ang lalaki dahil ito ang huling kasama mo! At pinipili rin ng T.V. station ang mga kalahok nila. Sigurado ka na hindi masamang tao si Jonathan.

So, anong inilagay ni Jonathan sa inumin mo?

Droga kaya na pang-increase ng libido? He wants to do something sexy with you? Naughty boy!

Napalunok si Jonathan nang inumin mo ang iced tea mo.

"Sorry, Terry," sabi nito nang mag-umpisang umikot ang mga panigin mo.

Matagal kang nakatulog. Nasa restaurant ka pa rin nang gisingin ka ng isang waitress. Pinagbayad ka nito nang hindi n'yo nagalaw na pagkain ni Jonathan at humingi rin ito ng tip. Seryoso?!

"Magsasara na po kasi kami ma'am," saad ng waitress. "Nakatulog po pala kayo. Hindi halata. Nakita naman po naming umalis ang ka-date n'yo."

Wala na nga si Jonathan.

Nag-check ka ng mga gamit. Kumpleto ang pera mo. Ang car keys mo ay nasa loob din ng handbag mo, maging ang cellphones mo!

Ano kaya ang drama ni Jonathan? Sinabi mo sa sarili mo, hindi ka na makikipag-date rito sa Paris. Noon mo nausisa na nawawala ang plane ticket mo!

–End-

______________________

>Kung gusto mo ng alternatibong ending, go to CHAPTER 28 - Nek-nek Mo!

_____________________

*Image photo credit: https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/f/f9/D23_Expo_2011_-_Lost_props_%28Hurley's_plane_ticket%29_%286075807420%29.jpg/320px-D23_Expo_2011_-_Lost_props_%28Hurley's_plane_ticket%29_%286075807420%29.jpg


Choose Your Destiny: The Right GuyWhere stories live. Discover now