Paalam, Noelle [13]

483 12 14
                                    

Dedicated kay ate Biancx ang chapter na ito. Advance thank you sa kanya sa pagbasa ng Paalam, Noelle some time in the future kung free na siya sa mga pinagkakaabalahan niya ngayon. <3

Comment na at maglike! May silent readers ba? :D Maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta sa storyang ito. Mahal ko kayong lahat. Mwah!

---------------------------------------------------------------------------------

13.

Simula nung araw na nalaman kong buntis ang asawa ko, lagi ko na siyang sinasamahan papunta sa doktor. Pinipilit ko nga siya na dapat linggo-linggo kami pumunta para magpacheck-up pero tinatawanan na lang ako ni Noelle. Masyado raw akong praning mag-isip.

"Para makasiguro tayo sa kaligtasan niyong dalawa Noelle."

"Mike, basta nasa tabi kita, nakakasiguro akong ligtas kaming dalawa."

Sobrang tamis ng ngiti sa akin ni Noelle nung sinabi niya ang mga katagang yun.

Napangiti naman ako sa sinabi. Ngunit may kung anong kumurot sa puso ko nang marinig ko yun sa kanya.

Napabulong na lang ako nang "Sorry."

Oo, humihingi ako ng patawad sa kanya nang palihim. Pakiramdam ko kasi, hindi ko talaga kayang gampanan ang pagiging asawa ni Noelle at ama ng anak namin.

Araw... Linggo... Buwan... ang mga nagdaan.

Lumaki na ang tiyan ni Noelle. Nalaman na rin namin ang kasarian ng baby.

Lalake.

Katatapos lang ng check-up ni Noelle. Pinauna ko na siya sa sasakyan dahil kailangan ko pang makausap ang doktor ko. Gusto pa nga akong samahan ni Noelle pero sinabi ko na mabilis lang ako. Pagkatapos ay sumunod na rin ako sa kanya.

Araw-araw kaming naglalakad sa isang maliit na parke malapit sa amin. Sabi kasi ng doktor na makabubuti raw kung mag-eehersisyo siya para hindi masyadong mahirapan si Noelle sa kanyang panganganak at para na rin daw sa baby namin.

Hinaplos ko ang tiyan ni Noelle kung nasaan ang anak namin.

"Hello baby. Magpalakas ka jan sa loob ni mommy ha?"

Naramdaman ko ang kanyang mahinang pagsipa. Natawa naman si Noelle, paniguradong naramdaman din niya.

"Huwag ka raw mag-alala daddy."

Sabi ni Noelle na akala mo'y siya ang interpreter ng anak namin.

Naglalakad na kami pauwi nun habang magkahawak ang kamay namin nang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Natatakot ako Mike. Isang buwan na lang."

"Nandito lang naman ako, di ba? Huwag kang matakot."

Ngayon ay inaakbayan ko na siya.

Oo nga no. Isang buwan na lang, manganganak na siya.

Ibig sabihin...

Malapit na rin ang araw na kinakatakutan kong dumating.

Paalam, Noelle //Where stories live. Discover now