Paalam, Noelle [12]

491 11 11
                                    

Hello BB! Alam kong mas prefer mong basahin ang PN sa CC pero wala namang dedication chuchu dun kaya heto, dedicated ang chapter na to sayo.

Nga pala, malapit na po ang pagtatapos ng kwentong ito. As in super lapit na. Ilang chapters na nga lang ba? Hmmm... 1? Secret. Maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta! At sa mga silent readers jan, kung gusto niyong madedikeytan, comment na habang may chapter/s pang natitira.

---------------------------------------------------------------------

12.

Ilang linggo na rin ang nagdaan pagkatapos ng kasal namin ni Noelle. Kung saan-saan kami pumunta para makasama ang isa't isa. Pati na rin sa mall na sinasabi niya noon. At totoo ngang maganda roon. Mamaya pa sana kami uuwi galing sa mall na yun pero kanina pa hindi mapakali si Noelle.

"Anong problema Noelle? Kanina ka pa dyan lakad nang lakad."

"Huwag mo akong pakealaman, pwede?"

Nanahimik na lang ako.

Nagiging madalas na rin ang pagkakamainitan niya ng ulo. Hindi ko na nga siya makausap nang matino eh. Kahit na sabihin man niyang hindi siya galit, bakas sa tono ng boses niya na naiirita siya.

Habang ang lalim ng iniisip ko, nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Noelle mula sa aking likuran.

"Sorry Mike. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Pasensya na."

Sa totoo lang, hindi naman ako galit eh. Iniintindi ko na lang siya kung ano man ang takbo ng isipan niya sa ngayon. Pero sa tuwing hihingi siya ng patawad, hindi maiwasan ng puso kong lumambot at ipagpatuloy ang pag-iintindi sa kanya.

"Okay lang. Itulog mo na lang yan. Basta huwag mong kalimutan na nandito lang ako ha?"

Hinalikan na niya ako sa kanan kong pisngi. Pinanuod ko lang siya habang naglalakad pataas ng hagdanan patungo sa kwarto naming dalawa. Napahinto siya pagkatapos ay dali-daling tumakbo pababa papunta sa CR habang hawak-hawak ang tiyan at bunganga niya.

Napatakbo naman ako sa pintuan ng banyo.

Narinig ko ang mga kakaibang tunog mula kay Noelle. Sumusuka siya.

Pumasok ako sa banyo dahil hindi naman niya ni-lock ito. Hinimas ko ang likod niya habang patuloy pa rin siya sa pagsuka.

"Ayos ka na ba?"

Tumango lang siya.

"Mike, hindi kaya..." 

Napahawak siya sa may baba ng tiyan niya sabay ngiti sa akin.

"Ilang araw na rin kasing wala akong dalaw, tapos..."

"Sana nga."

Bumili agad kami ng pregnancy test niya. At kinabukasan...

"Mike! Mike! Positive! Positive!"

Boses ni Noelle na akala mo'y wala nang bukas ang gumising sa akin.

"Ha? Anong positive?"

Sabi ko habang kinukusot ang mga mata ko.

"Buntis ako."

Paalam, Noelle //Where stories live. Discover now