Paalam, Noelle [9]

522 14 12
                                    

Lahat ng readers nito ay dededicatan ko. Napagdesisyunan kong pahabain ng kunti tong story. Hihihi. So yun nga. Enjoy the chapter!

--------------------------------------------------------------------------------------------------

9.

Dumating ang kinabukasan. Mas lalo kong nadama ang paghina ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang kumakalma na siya. Oras ko na ba? Hindi ko masabi-sabi. May parte ng isip ko na gusto nang sumuko pero ang sabi naman ng puso ko ay huwag pa.

Bakit ba kasi ang hirap ng buhay?

Bakit ba kasi lahat ay kailangan may kapalit?

"Mike, ayokong maniwala sa sinabi ng doktor kahapon."

Naramdaman ko ang malambot na kamay ni Noelle sa pisngi ko. Hinahawi niya ang mga buhok na tumatakip sa noo ko. Naramdaman ko ang pag-aaruga niya.

"Mike, kung mahal mo talaga ako, magsalita ka."

May pumatak na tubig sa braso ko.

Tubig?

Noelle, umiiyak ka ba? Ganun ba kasakit ang dinudulot ko sa'yo para lumuha ka?

"Please Mike. Ang sakit-sakit na eh. Alam mo yun. Yung pumasok ako sa isang kwebang madilim na hindi alam kung may labasan ba o hindi. Pero pumasok pa rin ako. Kasi, nararamdaman ng puso ko na ikaw ang madaratnan ko sa labasan."

Tumigil siya ng ilang segundo. Alam kong tumahan na siya sa pag-iyak. Gusto ko siyang yakapin at sabihin na magiging maayos din ang lahat.

Sana, dumating na ang araw na pinakahihintay ko... Ang araw na maituloy ang naudlot naming kasal. Ngunit bago iyon, kailangan komunang magising.

"Naghihintay ka ba dun Mike?"

Tinanong ni Noelle sa akin.

Kung alam mo lang Noelle na wala ako sa labasan... na wala akong balak na hintayin ka.

Dahil nung una pa lang, nasa likod mo na ako. Sinusundan ka at tinitiyak ang kaligtasan mo.

"Kahit pangalan ko lang ang banggitin mo. Isang beses lang."

Noelle.

Kung nababasa mo lang ang iniisip ko sa ngayon, tiyak na bakas na ang ngiti sa mukha mo ngunit hindi eh. Hindi mo naririnig ang pag-iisip ko.

"Siguro nga, panahon na para tanggapin ang katotohanang panahon na."

Narinig ko ang mahinang yapak ni Noelle papunta sa pintuan. Kailangan ko na talagang magising. Kailangan ko na talagang kausapin si Noelle. Kailangan ko na talagang sabihin kahit ang pangalan man niya siya sa ngayon. Dahil sa tingin ko, tuluyan nang sumukosi Noelle sa akin. At hindi ko yun papahintulutan.

Pipilitin kong galawin ang katawan ko... Bibigyan ko siya ng rason para kumapit pa...

"Noelle."

Dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko.

At pagkatapos ng tatlong taon, nasilayan ko na sa wakas ang aking pinakamamahal.

"M-m..mike?"

Masyado akong nanghihina para sumagot. Sa tingin ko, sapat na ang ngiti ko para sabihin ang nais sabihin ng puso ko.

Ang sumunod ko na lang na nalaman, nalulunod na ako sa yakap niya kasabay ng kanyang pagluha.

Paalam, Noelle //Where stories live. Discover now