Paalam, Noelle [7]

616 10 12
                                    

7.

Pagkagising ng diwa ko, hindi man ako literal na makakangiti, napapangiti ang kaluluwa ko dahil alam kong nasa tabi ko si Noelle.

Nakakapagtaka nga eh. Mas napapadalas na ang kalokohang ginagawa ng puso ko. Dati-rati naman ay hindi. Posible kayang dahil yun kay Noelle? Imposible. Tsk. Hindi ako makapaniwalang maiisip ko yun. Si Noelle na nga ang nagpapalakas n loob ko pagkatapos ay masasabi ko pang siya ang dahilan nang unti-unting paghina ng puso ko?

"Ang sama mo talaga Mike."

Gising na pala siya.

"Lagi mo akong pinapakaba. Huwag ka namang magbiro nang ganyan."

Narinig ko ang pagpasok ng isang tao sa kwarto.

"Ms Noelle, pwede ba kitang makausap?"

"Sige po."

Tumayo si Noelle dahil binitawan na niya ang kamay ko na kanina'y hawak-hawak niya. 

"Gusto mo namang magising na ang pasyente di ba? At gusto mo ring mapabilis ang paggaling niya?"

Sa tingin ko'y nasa labas sila ng kwarto dahil mahina ang boses na naririnig ko. Siguro'y nakabukas nang kaunti ang pintuan.

"Opo." 

Hindi na nag-atubiling sumagot si Noelle.

"Alam mo, marami nang mga kaso ng mga pasyenteng na-coma na nagkkwentong parang buhay ang kanilang diwa ngunit hindi ang kanilang katawan. May napagtanto kasi kami sa pasyente."

"Ano po yun?"

"Napansin naman na mas dumalas ang pagkakalagay sa peligro ng buhay niya at halos lahat ng pangyayaring iyon, mayroon ka. Hindi kaya't ikaw ang dahilan ng pagbagal ng kanyang paggaling?"

Huwag kang maniwala sa kanila Noelle. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Nagkakaganito lang ako dahil marahil ayaw kitang naririnig na umiiyak. Huwag mo akong iwan Noelle. Hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. Please, Noelle.  

"Para po sa ikagagaling niya, iiwas po muna ako."

At nagsimula na namang magwala ang puso ko.

Paalam, Noelle //Where stories live. Discover now