45 - Landi Landi!

Start from the beginning
                                    

Nag-isip naman ako ng onti bago sumagot. "Gusto ko church wedding. Friends, family and colleagues lang ang gusto kong naandun. I want the whole wedding, from the preparation to the reception, to be captured in a video so we can watch it whenever we want to. Tapos sa reception, mala-The Great Gatsby or Moulin Rouge ung theme, mala-theater like ung tema."

Naramdaman ko namang tumango si Damon. "I'll make your dreams come true, Serena mine."

I giggled. "Ang sweet naman ng future husband ko." Tiningala ko naman siya. "Paano pala 'to, wala akong damit dito? Eh kasi naman ikaw, di ka man lang nagpapasabi na may ganito kang ka-echosan. Akala ko talaga kung saan na ko dadalhin ng kapatid mo, nag-aalala pa ako na baka magalit ka kung male-late ako ng uwi. Kaso sabi niya, okay lang daw. Um-oo naman ako, thinking na dahil uuwi ka ng late, ganun din gagawin ko. Tapos may plano pala kayo!" sabi ko. He smiled apologetically at me.

"Eh kasi nga po, inaasikaso ko 'tong bahay. Kailan lang din kasi natapos ung finishing nito that's why I immediately arrange the necessary furniture needed. Kaya nga kami nagplan ni Mitch, dahil alam kong hindi mo kaagad mapapansin 'to." Explain ni Damon. Dami daming arte ng fiancé ko. Charot.

"Sus! Pwede ka naman kasing magpropose na lang ng simple, may paarte arte ka pang nalalaman." Asar ko sa kanya. Ngumiti naman siya. "Syempre, kailangan kong magpa-impress para makuha ko ang matamis mong oo."

Napailing na lang ako, at nagdecide na manahimik na lang nang may naalala ako. "Teka, paano mo pala napagawa ung arc reactor na lalagyanan ng singsing?" tanong ko. Nakakapagtaka kasi, diba?

"I partly customized it. I asked for some help na din from the jewelry store." Sagot niya. "Eh bakit arc reactor ni Iron Man?" tanong ko ulit.

"Arc reactor is Tony Stark's heart. That's why I chose it, because you have my heart. And inside it, is you." Sagot ni Damon. Naku, puro ka-sweet-an na ang alam nito ni Damon.

"Puro ka pa-sweet ha. Naku, tara na at mag-almusal. Nagugutom na ako. Gusto ko ng pancakes at gatas." Sabi ko. Umalis naman ako sa ibabaw ni Damon at sinuot yung shirt. Ganun din yung ginawa ni Damon, nagsuot din siya ng boxers. Bahagya kong tiningnan ung singsing. Ang ganda pala, lalo na kapag nasisikatan ng araw. Ang simple, pero ang bongga.

"Nagdadalawang-isip ka na ba?" biglang bulong ni Damon sa tenga ko na ikinagulat ko naman. Hinarap ko siya tapos pinalo sa braso. Umarte naman siyang nasaktan kahit hindi. Hala!?

"Arte mo! Wag mo akong ginugulat kasi! Di ako nagdadalawang-isip, just so you know." Sabi ko sa kanya sabay ngiti. Ngumiti naman siya tapos kinuha ung kamay ko at tumungo na kami palabas. Dumerecho kami sa kitchen. Buti na lang at may stock na ng pagkain kung hindi, baka mag-tantrums ako dito dahil walang pagkain.

Nagprepare na ako ng pancake mix habang si Damon naman nagtitimpla ng gatas ko at kape niya. Siya na rin ung nagprepare ng dining table. At least may natutulong siya, diba?

Mga 30 minutes din akong nagprepare at nagluto, saka kami kumain ni Damon. Kain lang ako ng kain. Siguro sa 15 na pancakes na naluto ko, ako ung kumain ng sampu, lima kay Damon. Di naman siya umaangal. In fact, gulat na gulat siya. Sunud-sunod kasi ang pagkain ko.

"Tataba ka n'yan." Sabi niya. Sumimangot naman ako tapos binaba ung tinidor.

"Sabi na nga ba! Magsasawa ka rin sakin kasi tataba na ako! Di mo na ba ako love? Ayaw mo na ba sakin?" malungkot kong tanong. Nangingilid na ang mga luha sa mata ko nang yakapin ako ni Damon.

His Naughty Proposal [COMPLETE]Where stories live. Discover now