"Excuse me po" pagkuha ko ng atensyon sa guard. Agad naman syang humarap sa akin at ngumiti.

"Goodmorning po Ms. Quiro. What can I do for you?" Tanong ng guard sa akin.

"Ahmm.. Tatanong ko lang po kung dumating na yung mom ko dito" agad na tumingin sa log book yung guard at hinanap yung pangalan ni mommy.

"Hindi pa po, Ms. Quiro. Maupo po muna kayo dun sa lounge, tatawagin ko na lang po kayo pag dumating na sya" nagpasalamat ako at umupo na sa lounge. Ito yung tawag sa mga couches na nakalagay sa may lobby ng school.

I waited for an hour.

Then two hours

Until I lost count of the hours.

Tsk.. Bat pa kasi ako umasa na tutuparin ni mommy yung sinabi nya? Kelan nga ba nya tinupad yung mga salita nya sa akin?

"Ms. Quiro kelangan nyo na pong umuwi. After 6 pm ay bawal na ang mga students dito sa school." Sabi nang guard na syang kausap ko rin dati. Matamlay akong tumayo at dire-diretso na naglakad papunta sa parking lot.

Bigla ay parang naawa na naman ako sa sarili ko, na alam ko ay hindi ko dapat maramdaman. Bakit kasi yung parents ng ilan sa mga classmates ko nagagawa nilang pumunta sa mga special occassions para sa mga anak nila? Bakit sila mommy hindi nila kaya?

"Ms. Krystal ba't po antagal nyo?" tanong sa akin ng driver ko.

Agad akong sumakay sa kotse nang hindi pinapansin ang pagtatanong nya. I just don't feel like talking to anyone.

Habang nakaupo sa backseat ng kotse ay nakatulala lang ako at nakatingin sa mga tao na nadadaanan ng kotse namin.

"Manong pakihinto sa tabi!" Agad kong sabi sa driver nang makakita ako ng isang pamilya na sabay-sabay kumain sa kariton nila.

Pinagmamasdan ko lang sila habang masaya nilang pinagsasaluhan ang kakarampot na nakahain sa harapan nila.

"Manong! Pakibili naman ako ng pagkain dyan sa restaurant sa tapat. Gusto ko yung pinakamasarap, and damihan mo." Agad kong utos sa driver.

"Gutom na po siguro kayo ma'am, sige po dadamihan ko ang order. Sandali lang po ah" agad na lumabas ng sasakyan ang driver ko at bumili na ng pagkain.

Nang makabalik sya ay una ko munang tinignan ang mga pinamili nya. " Ay maam, specialty po nila yan. Yan din daw po ang pinaka-best seller ng sikat na restaurant na yan!" Pagbibida nya.

"Ganun ba?" Sabi ko nang may matamlay pa ring boses. "Good! Ibigay mo yan isa-isa sa lahat ng mga pamilya at mga tao na hindi pa kumakain dyan sa sidewalk" sabi ko sa kanya habang patuloy na nakatingin sa pamilyang masayang naghahapunan.

Nagulat at nanlaki ang mata ng driver ko pero walang pagdadalawang isip nyang mabilis na tinakbo ang kalsada para ipamahagi ang mga pinabili ko.

Pure and genuine happiness. Yan ang nakita ko sa mata ng mga taong nabibigyan ng pagkain nang tumingin sila sa gawi ng kotse. Tinted man ang sasakyan ay kitang kita ko kung gaano sila nagpapasalamat sa nabigay ko sa kanila. Kumakaway sila sa kotse at masayang nagpapasalamat, kahit hindi ko sila naririnig ay kita naman sa mata nila ang kasiyahan.

Bakit yung ibang parents kahit na hindi sila ganun kayaman ay masaya naman yung buhay nila? Bakit kami? Wala naman kaming problema financially pero parang mas mayaman pa sila sa amin at mas masaya pa ang pamumuhay nila.

"Ms. Krystal napakasaya po nila. Sobra nagpapasalamat po sila sa inyo dahil ngayon lang daw sila nakatikim nang pagkain na hindi galing sa basurahan ng restaurant na yun. Gusto nga po nilang magpasalamat sa inyo ng personal pero sinabi ko po na ako na lang ang magpaparating ng pagpapasalamat nila" nakangiti at buong siglang pagku-kwento nya.

Dahil sa sinabi nya ay gumaan talaga ang pakiramdam ko. Feeling ko ready na akong sumama sa farm retreat namin at ma-experience ang mahirap pero masayang pamumuhay ng mga taong hindi namin katulad ng antas sa lipunan.

"Ano po pa lang pangalan nyo manong driver?" Nakangiti ko nang tanong sa kanya. Lumiit nang bahagya ang napakalaking ngiti sa mukha nya kanina nang dahil sa tanong ko.

"Eh Ms. Krystal baka po kasi matanggal ako sa trabaho pag nalaman ninyo ang pangalan ko. Yun po kasi ang kabilin-bilinan sa amin ng señora" sagot ni kuyang driver at mabilis na yumuko.

"Na wag makikipag-usap at parati akong ituturing na amo at laging isipin na trabahador lang kayo at walang karapatang lumapit at makipag-usap sa akin? Alam ko na po yan manong. Pero pag tayo lang naman po ay baka pwede ko kayong ituring na pangalawang tatay ko?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Nakangiting napa-kamot sya ng ulo.

" Hello po.. Ako po si Krystal Jane Quiro kayo po?" Pagpapakilala ko sa kanya at naglahad ako ng kamay.

Agad naman nya itong tinanggap at nagpakilala din " Ako naman si Jun, pwede mo din akong tawagin na tatay Jun pero pag tayo lang ang magkasama ah. Wala kaming anak ng aking asawa kaya naman kagalakan po namin na ituring nyo kaming inyong pangalawang magulang" nakangiti nang sagot nito.

Napangiti ako sa sobrang saya. Dahil hindi lang instant tatay ang nakuha ko kung hindi isa ring protector, or hero kumbaga, sa katauhan ni Tatay Jun. At saka sya lang ang unang nakalapit at nakipag usap sa akin.

Buong byahe kaming nagkwentuhan ni Tatay Jun at nasabi nya na kapag may pagkakataon ay ipapakilala nya ako sa asawa nya. Matanda na pala silang nag-asawa kaya naman hindi na rin sila nagka-anak.

Sinabi rin nya na tutulungan nya akong maghanda ng mga dadalhin ko sa retreat since hindi naman ako exempted. Hanggang sa napunta ang usapan namin sa mga tingin nya magiging activity namin sa retreat.

Ganito pala yung feeling kapag hinayaan mong mapalapit ka sa ibang tao. First time ko lang mapalapit sa iba, at sana hindi to malaman ni mommy.

Well I guess this day isn't bad at all. And I just realized that approaching someone is not always bad.

And also, I have to prepare myself for a week's torture at the farm

Only ExceptionWhere stories live. Discover now