Haka-haka

6.4K 167 7
                                    

Kinabukasan. Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Rina na naging sunud-sunod pa. Tuloy ay nakaramdam ako ng pagkainis sa naging reaksyon nito.

"Dyke." Anito na napabungisngis pa rin.

"Ano? Pwede ba, umayos ka nga dyan. At saka... ano ba ang nakakatawa sa tanong ko?" Inis kong sita dito.



Nabanggit ko kasi sa kanya na posible bang magkagusto ang isang babae sa kapwa babae?




"Grabeh. Ilang taon kana ba? Ba't parang di mo alam 'yon?" Napaikot ang mga matang napahalukipkip naman ako sa tinuran nito.


"Kainis ka naman, oh!"


Ba't ba di nalang niya ako sagutin ng diretso?

At saka... anong nakakatawa sa tanong ko?

"Okay. What I mean... Dyke o lesbiana, ang tawag sa mga babaeng nagkakagusto sa kapwa natin babae. At... Oo. Posibleng nangyayari talaga iyon lalo na sa panahon ngayon." Anito.


"Papaanong-"

"Kahit model pa siya o ano pa. Ally, may mga taong akala natin tuwid pero ang totoo naman pala baluktot sila. May mga nakikilala akong isang les, actually friend ko siya dati. Hindi talaga ako naniniwala noong sinabi niya sa akin na may girlfriend siya kasi naman babaeng-babae talaga siya, maarte kung kumilos pati pananamit at napakaganda pa niya. Saka lang ako naniniwala na tibo pala siya noong ipinakilala niya sa akin 'yong girlfriend niya at nahuli ko silang nagtukaan." Wala sa oras na napaayos ako ng upo sa huling sinabi nito.

"A-Ah... ganoon ba yon?" Ewan pero parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko ng mga oras na to.




"Bakit mo nga pala naitanong? Don't tell me..." napaawang ang bibig nitong tiningnan niya ako ng makahulugan.




Bigla rin akong kinabahan sa klase ng pagkakatingin nito na akala mo talaga.. may nalalaman siya tungkol sa...


"Sabi ko na nga ba... may itinatago ka sa'kin, noh?" Anitong napataas pa ang hintuturo sa'kin.





Mariing napapailing naman ako.






"Ikaw, Ally. Nakakasama ka na ng loob. Ako ba'y pinaglilihiman mo ng babae ka?" Muli akong napailing.  "E, ba't mo natanong sa'kin to?"







Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. "Natanong ko lang..."






Naiisip ko kasi... yong mga nangyari sa'kin nitong mga nakaraang araw. Yong mga nangyari sa pagitan namin ni Kristina.







Naguguluhan ako sa mga ikinikilos niya. Imposibleng kabilang ito sa mga nabanggit ni Rina sa'kin... dahil di ko naman siya nakikitaan ng may pagtingin sa'kin. Ang ibig kong sabihin... imposibleng magkagusto siya sa'kin dahil ang alam ko at natatanging nararamdaman ko lang naman mula sa kanya ay yong galit niya para sa'kin.






Pero... sa tuwing hinahalikan naman niya ako. Kakaibang hatid naman ang dulot ng halik niya para sa'kin.







Parang...









"Earth calling, Ally? Tapos kana bang magmuni-muni dyan?" pukaw ni Rina at marahang iwinagayway ang mga kamay nito sa harap ko. "Basta... kahit na anong mangyari. Lagi ka lang ganito." Sabay taas nito ng hintuturo. "Wag kang liliko at kahit anong mangyari wag na wag kang papatol sa mga ganoong uring tao, kay?"


Napatanga ako sa mga narinig ko mula dito.

"Diretsuhin mo nga ako- ano bang gusto mong sabihin?" Naguguluhang naitanong ko sa kanya.



Napaikot ito ng mga mata. "Wag na wag kang papatol sa mga ganyang klaseng babae, Ally. Dahil ang babae para sa lalaki hindi para sa kapwa natin babae." Pangangaral nito. 

Napalunok naman ako sa narinig ko.

Ba't parang kinabahan ako sa mga sinasabi nito?


Nagkaroon rin ako ng habag at haka-haka para sa sarili ko.


Wala sa sariling naisip ko ang mga nangyari sa'min ni Kristina. Ang mga sandaling nakasama ko ito at... napapilig ang ulong pinilit kong iwinaksi sa alaala ang mga yon.


"Uhm. I... I have to go, Rina. Maaga pa ang alis ni Tita Ami. Malapit na kasi ang kaarawan ni Don Emmanuel kaya mukhang matatagalan na naman siyang umuwi sa bahay." Pagsisinungaling ko nalang.






"Alam mo, Ally. Pwede ka naman umuwi sa inyo na kasama ang pamilya mo. Bakit ba kasi nagtitiis kapa na manirahan sa bahay ng Tita mo na nag-iisa? Iwasan mo nalang na pumunta sa mansyon. Ganern!" Ika nito na nagpatigil sa'kin.






Naiiling na di ko nalang pinansin ang sinabi nito at nagpaalam na umuwi na.





Runaway with me Gorgeous [Book 1] (Completed) Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα