Ang pagkahulog

9.7K 210 7
                                    


Ally

"Happy Birthday, Sian!" Sabay-sabay naming bati sa batang babae. Matapos hipan nito ang mga ilaw sa nakasinding kandila ay masayang nagpasalamat ang dalaga sa mga bisitang dumalo para sa kaarawan nito.

"Ally. Salamat sa regalo para kay Sian." Masayang wika ni Lex ng makaupo kami sa isa sa mga mesa.

Tumabi ito sa'kin.

"Sus. Maliit na bagay."

"Can we talk outside?"

Panaka-naka'y napapatingin sa direksyon namin ang pamilya nito.

"O-Oo naman." Sagot ko bago kami lumabas ng bahay.

Sa ilalim ng punong mangga. Mainit ang sinag ng araw ngunit di alintana ang init ng panahon. Nakahelera ang nagtatayogang puno ng mga niyog. Masarap at napakaganda ang kulay berdeng damuhan sa kapaligiran. Malamig rin ang ihip ng hangin sa hilaga.

"Ally... mahal kita."

Mula sa malayo, napabaling ang mga tingin ko sa gawi nito. Hindi malaman kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga oras na to. Malapit at isa sa mga tunay na kaibigan kong maituturing si Lexon. Pero... tinging kaibigan lang talaga ang meron ako para sa kanya.

"I can wait, Ally. Sa ngayon ay kailangan ko lang ipaalam sayo ang nararamdaman ko. Alam kong hindi ko pa maririnig sa ngayon ang mga sagot na gusto kong marinig magmula sayo. At handa akong maghintay.

Ally, simula first year, minahal na kita. Alam kong marami ka pang gustong maabot sa buhay lalo na ang mga pangarap mo. Handang-handa akong maghintay kahit ilang taon pa. Nandito lang ako sa tabi mo palagi..." wika nito bago niya ako iniwang nakatulalang mag-isa. Di makapaniwalang napasunod ako ng tingin dito.

Sapo ang noong napailing sabay pilit ang tawa kong napapatingala at mariing naipikit ang mga mata.

What was that?

Alam nyo yong parang may dumaan na kidlat sa harapan nyo at sa isang kisapmata lang ay parang bulang nawala ito? Ganoong-ganoon ang mga naririnig ko sa mga oras na to.



"Seems you're in trouble, honey." Napapitlag ako kasabay ng paglingon ko sa pinanggalingan ng boses.


Napalaki ang mga matang napatingin ako nang makilala kung sino ang babaeng nakasakay sa isang stallion.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

Imbes na sagutin niya ang tanong ko, tumaas ang sulok ng labi nito at hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.


"Ako dapat ang magtanong nyan sayo. What are you doing here?" May kalakip na galit sa tonong tanong nito.


Natigilan ako at biglang natauhan sa narinig.

Oo nga pala... pagmamay-ari pala nila ang lupang kinatatayuan ko ngayon.

"Where the hell you think you're going?"

Di makapaniwalang napailing na lamang ako sa kanya at nilayasan ito. Until now, parang sampal pa rin sa mukha ko ang mga panunumbat niya nang gabing iyon.




Whatever! I mentally rolled my eyes.

Nakarinig ako ng mga yabag. Takang nilingon ko naman ito. At nagtatanong ang mga matang tiningnan ko ito sa mga mata.

"You can't just leave. You're supposed to tour me, right?" Anito. Di ko alam kung matatawa o hindi ba ako sa mga narinig ko dito.

Di makapaniwalang pinameywangan ko ito at hinarap ng tuluyan.

Runaway with me Gorgeous [Book 1] (Completed) Where stories live. Discover now