Unang sakit

6.5K 163 1
                                    



Ally


"Kristina!!!"


Mabilis ko namang napigilan ang braso niya. So, totoo nga? Totoong sinasaktan niya ang kapatid niya?


"Kung wala ka ng ibang sasabihin. I've to go." Madilim ang mukhang wika nito. Naguguluhang napatingin ako sa kanya.




Kani-kanina lang mukhang tuwang-tuwa siya. Tapos ngayon? Ang labo ng babaeng to!



"Hindi-" ngunit mabilis ang mga kilos nitong binuksan ang pinto. "Kristina-!"



No! Kailangan ko siyang makausap sa bagay na to!



Kahit na araw-arawin pa niya akong awayin at bwisitin. Makakaya ko pa yon. Pero ang saktan niya si Seniorita Sheina? Hindi ko matatanggap yon!



Mabilis akong umikot at binuksan ang pinto ng sasakyan nito at pumasok sa loob. Halatang ikinagulat niya ang ginawa ko.

"W-What are you doing?" Iyon na yata ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko itong nataranta sa harapan ko.


"Hindi pa tayo tapos. Pag-usapan natin to." I heard her groaned.


Napatagis ang ngiping napaikot ko ang mga mata sa naging reaksyon nito. Naiisip ko palang kung paanong nasasaktan ang kapatid nito. Pakiramdam ko ay libu-libong aspili ang tumutusok sa puso ko.




"I'm taking you home." Biglang naging malumanay na rin ang tono ng pananalita nito.


Takang napalingon ako sa gawi nito. Bakit pakiramdam ko may nag-iba sa kanya sa mga oras na to?


Napailing ako.




Hindi ito ang gusto kong makuha magmula sa kanya. "Kaya kong umuwing mag-isa." Sabi ko.

Sukat para maramdaman ko ang paghinto ng kotse nito.


"Then go." Malamig nitong boses.

Wala sa oras na napahawak ako sa noo ko. Ano bang nangyayari sa babaeng to?

"Kristina. I'm warning you. Tigilan mo na ang pananakit sa-"



"Paano kung ayaw ko?! Anong gagawin mo?" Kung kanina'y malumanay ang tono ng pananalita nito. Kabaliktaran naman ang mga naririnig ko ngayon.



"Papatayin kita!" Siguro dahil sa inis at galit ko sa kanya ay nagawa kong sabihin sa kanya yon. Natigilan naman ito at maang na napatingin sa mga mata ko. "Sinisigurado ko sayo kapag sinaktan mo uli siya. Papatayin talaga kita." Mariing sabi ko sa kanya.




Narinig ko pa ang bahagyang patawa nitong di makapaniwalang napapasulyap mula sa unahan maging sa gawi ko.


Napaupo ito ng maayos ngunit kitang-kita ko ang marahang paghigpit ng mga kamay nito sa steering wheel.

"Magagawa mo yon ng dahil sa kanya?" Biglang naging basag ang boses nitong tanong.


Napakurap ang mga matang di ko alam kung tama nga ba ang mga salitang nabitawan ko sa kanya. Napapalunok na nag-iwas ako ng tingin at mariing napapikit ang mga mata ko't napasandal ang ulo.






"Mahal ko ang kapatid mo, Kristina. Higit pa sa isang tunay na kapatid ang tingin ko sa kanya." Mahinang sabi ko. "Gagawin ko ang lahat... tigilan mo lang to."



Marahang naririnig ko ang mahihinang pagtawa nito. Ngunit nang mabaling ang mga mata ko dito, bigla akong nakaramdam ng pagsisisi dahil sa ginawa ko.  

Agad namang pinahid ng mga kamay nito ang mga luha sa mga mata nito. Naguguluhan may wala akong ibang nagawa kundi ang manahimik at makaramdam ng konsensya. Pakiramdam ko wala kaming pinagkaibang dalawa.


Seeing how I hurt her right now.



Parang tinutusok ang puso ko ng kutsilyo sa sakit ng mga oras na to. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto at nakita ang paglalakad nito palayo.



Walang pagdadalawang-isip na lumabas ako mula sa loob ng kotse nito at sinundan si Kristina.



Hindi ko alam kung bakit at kung paanong nakakaramdam ako ng matinding kirot sa puso ko ngayon.


All I want to do now is to follow her. Gustong-gusto kong bawiin ang mga salitang nasabi ko sa kanya kanina. Pero... mas nangingibabaw ang pride at galit sa puso ko ngayon.





Hindi ko na rin alam kung hanggang saan ko siya kayang sundan. Ngunit alam kong katulad ko... wala rin siyang balak na huminto.



Tuloy mas nakaramdam ako ng guilt sa puso ko kung gaano ko nga siya nasaktan kanina.




Makaraan ang ilang minutong paglalakad, tumigil si Kristina sa isang malawak na park. Siguro dulot ng pagod at pananakit ng mga paa nito kaya naisipan nitong tumigil na muna.



Nanatiling nakamasid lamang ako sa kanya. Muling napahawak ako sa kaliwang dibdib ko dulot ng kirot habang nakikitang umiiyak ito.

Ano bang nagawa kong kasalanan para mangyari sa'kin to?


Mali bang sabihin ko sa kanya kung gaano ka-importante sa buhay ko si Seniorita Sheina? Ano ba kasing problema niya?




Wala sa sariling napapahid ako sa mga mata nang maramdaman ang basang mukha ko.


Runaway with me Gorgeous [Book 1] (Completed) Where stories live. Discover now