Ang Pagtanggap

12.9K 344 16
                                    

Matapos kong ayusan si Seniorita Sheina, nagpaalam na muna akong lumabas mula sa silid nito.   

"You're very kind, Ally."



Gulat na napalingon ako sa may likuran kasabay ng panlalaki ng mga mata ko.



"Senior!"


"Nagpapasalamat ako dahil sa kabutihang ibinibigay mo sa anak ko." Nakangiting wika ni Senior Esmael.

Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko ng mga oras na to.

"W-Walang problema po iyon, Senior Esmael. Gusto ko lang pong makatulong at isa pa... magaan po talaga ang loob ko kay Seniorita Sheina. Alam niyo naman po ang ibig kong sabihin. Nag-iisang anak na babae lang po ako. Kaya ho siguro nawiwili akong alagaan si Seniorita Shiena ay dahil sa kanya ko ho nakikita ang sarili ko noong bata pa po ako." Sabi ko.




May pang-unawang tumango ito. Kagaya nga ng sinabi ko, napakabait ng mga ito.




"Narinig ko ang pinag-usapan niyo kanina. Pagpasensyahan mo nalang siya at napalaki yata ang ulo." Nahihiyang wika nito.




"Naku! Hindi naman, Senior." Nahihiyang napakamot sa ulong nagbigay ngiti na lamang ako dito.

Naramdaman ko ang pagbigat ng kanang balikat ko. "Napakabuti mo, hija." Ika nito. Ngunit higit pa sa sinasabi nito ang mga nababasa ko sa mga mata nito.


May kung anong sumikdo sa puso ko dahil doon.







Magkasabay na binabagtas namin ang kahabaan na corridor. Iilang silid rin ang nalagpasan namin na tanging nakalaan sa mga bisita mamaya. 








"Hiniling nga niyang ampunin kita na ikinagulat naming lahat. Alam naman namin na imposible ang gustong mangyari ng anak ko." Nakangiting wika nito.








"Imposible po talaga 'yon." Pagsang-ayon ko naman at binigyang tawa sa huli.




"Well... darating din naman ang araw na 'yon, sa ibang sitwasyon" ika nitong nagpakunot-noo ko.




"P-Po?"







Naguguluhan napabaling ako dito. Anong ibig niyang sabihin?



Isang makahulugang ngiti lang ang isinagot ni Senior Esmael sa'kin. Kaya wala sa sariling napakamot ako sa balikat ko.




"I'm expecting you for a dinner, Ally. Sa ngayon ay magpahinga kana muna. You can use the vacant guest room na katabi ng kwarto ni Shiena." Anito.





"Naku- kahit wag na po, Senior. Tutulungan ko nalang po sina Tita Ami sa paghahanda." Nakakahiya naman. Hindi naman kasi ako bisita ng mga Suigero at saka... isang hamak na tagasilbi lang ng mga ito.

"Ally. Hindi ka namin katulong dito kundi isang bisita. Ipaubaya mo nalang iyon sa mga katulong. Ang maihihiling ko lang ay... magpahinga ka muna. May mga damit at gamit na inihanda si Seniora Cielo mo para sayo mamaya. She's hoping... na magugustuhan mo ang mga iyon. Sa ngayon, kailangan na muna kitang iwan at may aasikasuhin lang ako sa ibaba." Paalam nito na halos ikinalaglag ng panga ko.




Walang nagawa na pumasok ako sa isa sa mga guest room at sinunod ito na naguguluhan pa rin.



Gaya ng sinabi nito, may nakita akong  paper bag na nakapatong sa kama. Siguro ay ito nga ang mga gamit na tinutukoy ni Senior kanina.





Dahan-dahan kong nilapitan at tiningnan ang mga ito. Gulat at pigil ang hiningang tinitigan ang isang napakagandang bestida na kasing kulay asul sa langit. Nangingiming hinaplos ng mga kamay ko ang malambot nitong tela.


"Napakaganda...."


Bigla tuloy akong kinabahan sa kung ano ang mangyayari mamaya. Hindi ko inaasahan ang ganito... hindi ko naman naisip na magdadamit pa pala ako ng ganito habang tinutulungan ko sina Tita Ami sa paghahanda at pag-aasikaso sa mga bisita.

Napasinghap ako.


Nang mapansin ko ang mga kahon ay dahan-dahan ang ginawa ko mabuksan lang ito sa takot na baka mabasag ko iyon. Mga alahas ang nakita ko na mas lalong ikinamangha ko ng husto.



Ngayon palang ay nakaramdam na ako ng panliliit sa sarili. Kahit na siguro isusuot ko ang mga mamahaling alahas na ito ay hindi pa rin maikakatwang isang hamak lamang akong pobreng babae.





Mabigat ang loob na napabuntong-hininga at ibinalik sa lalagyan ang mga iyon.






Itiniklop ko ang kahon at napahiga sa malambot na kama. Dilat ang mga matang nakatingala lang sa magandang kisame. Nakapagtataka lang kung bakit ganoon na lamang ang kabutihang ipinapakita ng mga Suigero sa'min ng pamilya ko.





Nakakabahala na baka darating ang araw na may hihilingin ang mga ito na alam kong na mahihirapan akong tanggihan ang mga ito. Napakalaking utang na loob na ang mayron kami sa pamilyang ito.





Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.



Napapikit ang mga mata.





"Well... darating din naman ang araw na 'yon, sa ibang sitwasyon." Naalala kong sinabi ni Senior Esmael sa'kin kanina.





Ano kaya ang ibig-sabihin nito kanina?











Haay. Nakaka-buang naman!




Nasa ganoon akong pag-iisip hanggang sa dalawin na rin ako ng antok.






-oOo-





Third Person




Makaraan ang ilang oras ay dalawang pares ng mata ang kanina pa nagmamasid sa mahimbing na natutulog na dalaga.





Hindi malaman kung paano ang gagawin na ngayon ay malapit na ang mundong kinagagalawan nilang dalawa. At abot-kamay na niya ito.




Nakikita't nahahawakan na niya ito na animo'y isang di kapani-paniwalang panaginip. Kahit ilang litrato na ang kinuhanan niya sa natutulog na dalaga ay hindi pa rin siya makakapaniwalang nasa harap na nga niya ito.


Marahan niyang hinaplos ang magandang mukha nito. Isang ungol ang lumabas mula sa bibig ng dalaga, napangiti siya at pilit kinokontrol ang sariling damhin ang labi nito. 

Simula nang makita niya ito sa loob ng barn, nagsimulang mahulog ang loob niya mula dito.


She's now as beautiful like goddess of all wonders. Kung pwede lang na itago niya ito sa bulsa at gagawin niya na sa ganoong paraan ay wala ng ibang lalaki ang makakalapit dito. Kaya gagawin niya ang lahat mapasakanya lamang ito. 





Ilang taon ang hinintay at tiniis niya.  Ilang taon na ba ang pagsasakripisyo niya?

Tama na.

Panahon na para pusopuso naman niya ang sundin at bigyang halaga.

   

Gagawin niya ang lahat para sa babaeng pinakamamahal niya.




"Ally..." bulong niya sa pangalan nito at marahang hinagkan ang noo ng natutulog na dalaga.




Runaway with me Gorgeous [Book 1] (Completed) Where stories live. Discover now