ML 67 : 3 years ago

20.8K 242 25
                                    

STEPH’S POV

3 years ago…

Nagising na lang ako dahil sa liwanag na sumisilaw sa mata ko. Pag ka dilat na pag ka dilat ko ng mata ko, si Ronald agad ang sumalubong sakin.

“Steph? Steph okay ka lang? Naririnig mo ba ako?” tarantang sabi niya pero hindi ako makapag salita, ang tanging nagawa ko lang ay tingnan siya. “Teka… tatawagin ko yung doctor!” at agad siyang tumayo sa kinauupuan niya at lumabas ng kwarto.

Balak ko sana siyang pigilan pero hindi ako nakapag salita.

Iginala ko yung mata ko sa kwarto kung nasaan ako… Hospital? Anong ginagawa ko dito?

Inisip ko ang mga nangyari sakin, bago ako mawalan ng malay. Naaksidente ba ako? Hindi naman. Nawalan ako ng malay? Pero bakit?

Hanggang sa sumagi ang isang bagay na dumurog sa puso ko. SI Steve na kasama si Janice, sa loob ng kwarto niya. Pero asan siya? Hindi ba na ospital ako, dapat nandito siya diba? O mas mahalaga lang talaga sa kanya yung babaeng yun? Asawa niya ako kahit sa papel man lang magampanan naman sana niya yung dapat niyang gawin.

Hindi ko mapigilang maiyak o sabihin na nating mapahagulgol.

“Opo Doc. Nagising na si Steph—STEPH! Ano nangyari? May masakit ba sa’yo? Si Baby mo, okay lang ba? Nasasaktan ka ba? Sabihin mo sakin Steph, please.” Pag mamakaawa niya. Oo Ronald, may masakit. Yung puso ko.

Gusto kong sabihin yan pero wala akong lakas na mag salita dahil sa sakit na nararamdaman ko.

“Akala ko po ba okay na siya?! Pati ang baby?! Bakit umiiyak nanaman siya?!” sigaw ni Ronald sa kausap niya.

“Ligtas ang bata pati na rin si Misis tulad ng sinabi ko, ang kailangan mo lang ay alagaan si Misis at iiwas sa stress, mas makakatulong yun hindi lang sa kanya pati na rin sa baby. Para maiwasan ang pagdudugo niya.”

Napahinto ako pag iyak at napatingin sa kanya.

“Baby?” halos bulong na sabi ko. Huminga ng malalim si Ronald bago tumingin sa doctor and with that umalis na yung doctor sa kwarto. Tsaka pa lang humarap sakin si Ronald.

“Anong baby?” tanong ko sa kanya. Kahit alam ko na ang sagot, hindi ko maiwasang umasa sa sagot niya. Kahit alam ko na ako ang nag dadala ng Baby, dahil napaka imposible kung si Ronald yun.

“Steph, you’re pregnant.”

Halos napatahan ako sa narinig ko. May baby ako? Sa isang beses na may nangyari samin ni Steve, may nabuo?

“P-pano?” naguguluhan kong tanong sa kanya.

“FOR PETE SAKE! ARE YOU SURE YOU WANT ME TO ANSWER KUNG PANO NANGYARI?! Did he rape you huh Steph?! Sabihin mo sakin dahil simula ngayon kakalimutan ko na pinsan ko siya at tuturuan ko ng leksyon yung kagaguhan na ginawa niya!” sigaw niya habang nag papabalik balik na sa pag lalakad dito sa gilid ko.

Martyr's LOVE [Completed with Special Chapter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon