ML 21 : Consideration

22.6K 261 34
                                    

STEPH’S POV


“Eto pa, kain ka lang.” alok ni Ronald sabay lagay ng food sa plate ko, alam niyo kung nasaan kami? Nasa karinderya.

“Hinay hinay lang lagay sa plato ko! Pasalamat ka gutom ako!” reklamo ko tsaka kinuha yung spoon and fork.

Alam niyo ba kung paano kami napunta dito? -___-

FLASHBACK

“Do I really need to answer that?” tanong ko sa lalaking nakangisi sakin.

“Ayaw mo? So you want me to decide? Then it’s a—"


*KRUUU* KRUUU*


Aish! Tummy bakit ngayon ka pa nag ka ganyan?!

“Is that… you?!” pigil na tawa ni Ronald. Nakakapikon to ah!

“ay hinde! Yung fountain yun! Common sense!” walk out ko.

“HAHAHAHA!~~ HAHAHA! He-hey! Stop!” habol niya sakin. “Sorry about that but –HAHAHAHA! That was hilarious!”


Sige lait lang! Ingungudngod kita sa damuhan!

“Oh! What’s with the looks?! Masisisi mo ba ako? I was cut off dahil sa gutom mo!” halata pading todo pigil siya sa tawa niya.

“Sige pigilan mo lang, sinasabi ko sa’yo, pag ikaw nautot tatawanan kita.” Irap ko sa kanya at lumakad ulit.

“HAHAHA! Eh kasi naman! Tara kakain tayo.” Hila niya sakin.

“Hey! Hindi pa ako pumapayag sa date ah!” reklamo ko habang pinipilit na ibitaw yung hawak niya sakin.

“This is not a date. I won’t date you unless you said so. Ayoko ng pinipilit ang date, hindi Masaya yun. Basta this is my treat, tutal gutom na ang prinsesa ko. Tara. Mage enjoy ka dun!” He smiled at me politely. Kung mabait lang to, ay nako! Ang haba na ng hair ko.

 Wala na akong nagawa, unang una nanghihina ako dahil sa gutom. -___-

END OF FLASHBACK



“Oo nga gutom ka! Muntik na akong hindi makakain!” sita sakin ni Ronald.

“Bakit ba ayaw mong kumain?” asar kong tanong.

“Ewan ko, just seeing you happy, nabubusog na ako. Wala na akong maramdaman kundi happiness.” Kabaduyan na banat ni Ronald.

Martyr's LOVE [Completed with Special Chapter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon