ML 57: Steve's Side

23.8K 295 61
                                    

Hello. Comment lang po kayo kung hindi niyo nagustuhan itong chapter na ito :) thank you.

---

AFTER 3 YEARS

--

STEPH’S POV

I’m here, sa lugar na to. sa lugar na tahimik… pwera sakin na umiiyak pa din hanggang ngayon.

Ilang taon, buwan, linggo na ba ang nakakalipas pero hindi ko pa din makalimutan.

Nakatitig lang ako sa lapida na nasa harap ko. hanggang pumatak yung luha ko.

Naramdaman kong may umakbay na payakap sakin.

“Umiiiyak ka nanaman.” Bulong niya sakin habang nakayakap ako sa kanya. “Hay nako baby. Iyakin ka pa din.” Pag bibiro niya.

“Baby ba ako?” tanong ko sa kanya.

“Oo, baby Stephanie kita.” Tsaka siya ngumiti sakin.

“De ikaw Daddy Ronald?”

Ngumiti siya sakin. “Sanay na akong tinatawag na daddy no.” pag papaalala niya sakin.

“DADDY!” iyak ni baby ko.

“Oh, pati si baby umiiyak?” lumuhod si Ronald para mag ka level sila ni Stefan, my poor baby, umiiyak nanaman.

“Daddy. Ven ven…” pag susumbong niya. 2 years old na siya, kaya barok siyang mag salita. Tumingin siya sa puntod nung pagong niya.

Tama kayo, nandito kami sa sementeryo kung saan naka libing yung pet niyang pagong. Namatay dahil na sobrahan sa pagkain. Pinag tulungan ba naman ni Jae at Stefan sa pag papakain panong hindi maeempatso.

1taon nang patay si Ven ven pero umiiyak pa din si Stefan ganun talaga ang mga bata. Pero nahahawa ako tuwing umiiyak siya! T___T

“Mag mall tayo baby ha? Hahanap tayo ng bagong pet?” pag aalok ni Ronald habang binuhat si Stefan na ngayon ay pinupunasan yung pisngi niya.

Umiling lang siya “I want Ven ven.” Pag mamaktol niya sabay pout.

Lumapit ako at binuhat ko siya.

“Baby, sabi ni Yaya, may basketball daw sa mall.” Pag chi-cheer ko. siya naman agad na tumingin sakin sabay punas ng cute niyang pisngi.

“Weally Mommy?!” tuwang tuwang sabi niya.

Martyr's LOVE [Completed with Special Chapter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon