ML 61 : Flashback + Epekto ng alak

21.4K 282 45
                                    

POV ni AUTHOR

Tulad ng sinabi ni Ate Iya… siya na mismo ang naghatid kay Steph, dahil biglang nawala si Steve. Kaya nga halos makatulog na si Stefan kakaiyak, kahit anong pag papatahan ang gawin ni Steph, ayaw tumigil ni Stefan…

At ngayon sumalubong kay Steph si Ronald na halos kakarating lang sa bahay nila.

“Are you okay?” salubong ni Ronald kay Steph na ngayon ay buhat si Stefan.

“Si Stefan kasi…” bulong ni Steph.

“Bakit?”

“Umiyak ng umiyak nung biglang umalis si Steve.” Buntong hininga ni Steph.

Hindi sumagot si Ronald at nag nod na lang.

“Kadadating mo lang?”

“Oo, tiningnan ko kung nakauwi na kayo.” Ngiti ni Ronald habang kinukuha si Stefan kay Steph.

“Kumain ka na ba? Gusto mo ipag luto kita?” pag ooffer ni Ronald pero umiling lang siya.

“Okya na ako, nakakain na din ako. Mag pahinga ka na.”

Walang nagawa si Steph kundi tumango na lang at sumunod sa kwarto ni Stefan, simula kanina may bumabagabag pa din sa isip niya. Actually simula noong nakita niya si Steve.

Makalipas ang ilang minuto, lumabas si Steph at napansin niyang nasa garden din si Ronald… mula sa likuran ay niyakap niya ito ng mahigpit…

“Hmmm?” himig ni Ronald.

Umiling lang si Steph habang mahigpit na nakayakap kay Ronald.

“Sorry…” bulong ni Steph, hindi kalakasan pero dahil sa tahimik na paligid ay siguradaong sapat na iyon para marinig ni Ronald.

Wala siyang narinig kundi ang marahan na pag tawa ni Ronald.

“Okay lang yun…  nabusog naman ako kahit papano kanina…”

Hindi na lang nag salita si Ronald… dahil una at sa huli alam niya ang ibig sabihin ng sorry na sinabi ni Steph, hindi niya lang kayang tanggapin sa ngayon dahil may kailangan pa siya patunayan.

Humarap siya kay Steph at niyakap ito ng mahigpit…

“Alam mong nandito lang ako para saiyo at para kay Stefan diba?”

Nag nod naman si Steph na tila matagal na niyang alam ang sinasabi ni Ronald, proven and tested na ito kaya wala nang alinlangan. Sa loob ng 3 years, si Ronald ang kasama niya sa pag papalaki at pag aalaga kay Stefan.

Martyr's LOVE [Completed with Special Chapter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon