ML 39 : Trouble?

20.4K 229 29
                                    

STEPH’S POV

“Hmm.” Naalimpungatan ako ng gumalaw yung kama ko.

“Ssssh. Go to sleep.” Yakap sakin ni Steve.

“Hmm. Uminom ka ba?” mahinang tanong ko. Naamoy ko lang siya.

“Hmm. Sorry. Napilit lang. Ayaw kasi akong paalisin kapag hindi ako uminom.” Pag papaliwanag niya.

“Bakit?”

“Hmm?”

“I mean bakit ka pumayag na uminom?” tanong ko.

“Alangan namang matulog ako kela Raj? Uminom na ako para makauwi.” Pag papaliwanag niya. Hindi siya lasing. Ang sungit eh! >.<

“Ah okay.” Tsaka ako tumalikod sa kanya. Dapat pala hindi na lang ako nagtanong sa kanya. Puro naman si Raj eh. Ano pa magagawa ko?

---

“Kain ka pa.” alok niya sabay lagay ng rice sa plate ko pero hinarang ko yung kamay niya.

“Busog na ako.” Mahinang sabi ko.

“Agad? Eh hindi mo kaya naubos yung niluto ko. 3 spoonful of rice and egg, busog ka na agad?” reklamo niya na akala mong tatay siya.

Hindi na lang ako kumibo at tumayo na ako.

“Saan ka nanaman ba pupunta?! Kanina ka pa ganyan ah!” sigaw niya.

Oo kanina pa nga. Dinalan niya ako ng breakfast sa kwarto pero sabi ko sa kitchen na lang kumain. Kanina ko pa din siya hindi kinakausap ng matino. Isang tanong isang sagot lang. pinag timpla niya ako ng gatas pero tubig ang ininom ko.

Bakit ko ginagawa to? Umiiwas kasi ako. Nakakainis! ayokong madala sa sweetness niya kung may iba naman pala siyang pinapahalagahan.

“Sa kwarto. Mag reready na ako. Baka dumating na si Ronald.” Isa to sa kinaiinisan ko sa kanya. Tama bang sabihin na…

FLASHBACK

“Wifey. Maaga tayo ngayon, may retreat tayo.” He smiled at me and I smiled back.

“Lika na kain ka na, I cooked breakfast.” Tsaka niya ako binangon sa kama.

Nag kusot ako ng mata at siya naman lumabas sandali. Pag balik niya sa kwarto may dala na siyang breakfast.

Martyr's LOVE [Completed with Special Chapter]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon