Kabanata 27

11.3K 516 63
                                    

Kabanata 27
Stranger...

Ilang araw na ang lumipas simula noong huli kaming nagkausap ni Vladd at ni Candic. Sinasadya ko ang ginagawa kong pag-iwas na iyon sa kanila. Isang beses pa nga noong dumaan ako sa building ng mga Royals ay narinig kong tinawag ako sa pangalan ni Candic, ngunit hindi ko siya nilingon. Kunwari ay hindi ko siya nakita at narinig. Mas mabuti na iyon kesa naman kung anong gulo na naman ang mapasukan niya nang dahil sa akin.

"Vladd!" narinig kong tawag nang papalapit na babae sa pwesto niya. Walang iba kundi si Courtney.

Sinulyapan ko si Vladd na nasa kabilang dulo ng hallway. Hindi ito malayo pero hindi rin malapit mula sa kinatatayuan ko. Masasabi kong sakto lang ang agwat nito upang makita at marinig ko ang pinag-uusapan nila.

Dahan-dahan kong binuksan ang lock ng aking locker at kinuha ang nakatiklop na jogging pants at ang pares nitong maroon na t-shirt.

"Courtney," bahagya ko silang nilingon. Masarap sa tenga ang ginawa niyang pag-banggit na iyon. Tila ingat na ingat sa pag-imik at halatang pinahahalagahan talaga. "What's the matter?"

"Uhm... wala naman," Lumapit ito sa kanya at ipinulupot ang mga kamay sa braso ni Vladd. "I miss you Ad... ang tagal nating hindi nakapag-usap."

Nakita ko ang pag-angat ng mga gilid ng labi ni Vladd. Nakangiti ito habang tinatapik-tapik ang ulo ni Courtney.

"Let's eat. My treat." aniya.

Pabirong hinampas ni Courtney ang balikat ni Vladd. "Sus! Di mo'ko madadaan sa mga ganyan mo. You know me well Ad, and kung gusto mo talagang makabawe... you should cook for me."

Kumawala ang matigas na tawa ni Vladd. Napakagat ako ng labi nang sandaling lingonin niya ako. Mabilis pa sa alas-kwatro ay inilihis ko ang aking paningin. Oh my God! Nakita niyang nakatingin ako sa kanila!

"Tsk. Demanding as always." saglit ulit itong tumawa.

Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko ang pag-iling iling nito habang tumatawa din si Courtney. Sinimulan nilang igaya ang kanilang mga paa papalapit sa pwesto ko.

"Ano? Saan? Sa dorm ko o sayo?" tanong ni Courtney.

Huminga ako ng malalim bago pagpasyahang isara na ang aking locker. Humugot ako ng lakas upang salubungin sila dahil gustuhin ko man o hindi, ay doon ang direksyon ng lugar na aking pupuntahan.

"Sa dorm ko." narinig kong sagot ni Vladd. Ngumiti naman si Courtney sa narinig.

Nang makalapit kami sa isa't-isa ay nag-angat ako ng tingin sa kanilang dalawa, ngunit laking gulat ko nang hindi nila ako pansinin at nilampasan lamang ako.

Tila may naramdaman akong bigat at kirot sa aking dibdib. Hindi dahil sa magkasama sila, kundi dahil hindi ako nagawang pansinin ni Vladd.

Hindi ba't dapat ay matuwa ako dahil mas magiging madali ang pag-iwas ko sa kanya? Pero bakit ganoon? Mukhang magkaiba yata ang dinidikta ng isip ko sa puso ko?

"How does it feel?"

Natigilan ako. Kilala ko ang boses na iyon!

Nilingon ko siya.

"Candic?"

"You're hurt, Equinox. Badly hurt. Am I right?"

Naglakad siya papalapit sa akin dala-dala ang kanyang seryosong mukha. Gumapang ang kaba sa aking buong sistema. Hindi ako makapagsalita.

"I guess, silence means yes." he commented.

Hinawakan ko ng mahigpit ang piraso ng damit na daladala ko. "A-Ano...M-May gagawain pa'ko. Next time nalang siguro tayo mag-usap."

Morfienn Academy (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon