Kabanata 25

11.5K 498 53
                                    

Kabanata 25

Drown

_


Naglalakad-lakad ako ngayon dito sa labas ng aming dormitoryo. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin dala na rin siguro ng mabigat na mga pangyayari kani-kanila lang. Atsaka, makabubuti na rin siguro ito upang makapag-pahinga naman ako mula sa napakaraming pasanin at isipin.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang bawat pagtama ng preskong hangin sa aking mukha. Ang aking maalon na buhok naman ay dinadala nito papunta sa aking likuran. Bigla akong napayakap sa sarili nang maramdaman ang paglakas ng hangin.

"Mahal kong E..."

Agad akong napamulat nang marinig ang boses na iyon. Napa-atras kaagad ako sa takot lalo na nang nagtama ang pula niyang mga mata sa aking pilak na mata. Umangat ang gilid ng kanyang labi dahil sa inasta ko.

"Kamusta?" nanunukso ang kanyang boses.

"Anong ginagawa mo dito?" Anong ginagawa ng isang alagad ng Dark Ministry sa akademiyang ito?

Humakbang siya ng isa papalapit sa akin. Umatras naman ako.

"Binibisita ka..."

"Demonyo ka! Wag kang lalapit sakin!" banta ko at dinuro-duro siya.

Humalakhak siya. Nagtaasan ang mga balahibo ko nang dahil doon.

"That's rude, sweetie."

Nagdilim bigla ang paningin ko at hindi napigilan ang sariling paulanan siya ng mga bolang apoy. Walang hirap niya itong iniwasan. Tumigil ako nang mapagtantong wala akong magiging laban sa kanya. Na walang bisa ang kapangyarihan ko para labanan siya.

"Wala kang mapapala dito! Umalis kana!" bulyaw ko.

Iniayos niya ang tila nawala sa ayos niyang cloak.

"Pumunta ako dito upang bisitahin ka, upang kamustahin ka... tapos ito lang ang gagawin mo sakin?" umiling-iling siya. " I'm very disappointed with you. Very disappointed... my dearest niece."

Nagpanting ang mga tenga ko. Ang mga kilay ko ay bahagyang nagsalubong. At ang akin namang noo ay kumunot.

"Niece?"

Ngumiti siya. "Yes sweetie. You heard it right."

"N-No! That's impossible!" bulyaw ko.

Imposible iyon! Wala na akong natitirang kamag-anak maliban kay Auntie at sa anak nitong nasa bahay namin. Yun ang sabi sakin noon ni Dad!

"I'm sorry darling... But that's the truth that you cannot escape..."

Hindi ako naniniwala. Ayokong maniwala. Pero kung sakali... kung sakali nga... Sino siya?

"Then, who are you?" I challenged.

Sumilay ang demonyong ngiti sa kanyang mga labi. Umangat ang paa nito mula sa ere.

"Sino nga ba ako?" wika niya at naglaho na parang bula.

Napasabunot ako sa sarili ko. Hindi ko na alam. Hindi ko na kilala ang sarili ko. Napakarami palang sikreto sa pagkatao ko na maski ang aking sarili ay nakikipag-unahan pa para malaman lang ang kasagutan.

I deserve a peaceful life! A peaceful living! Gusto ko nang bumalik kung saan naman talaga ako nararapat. I wanna go home! Ayoko na nang ganito.

"Equinox?"

Morfienn Academy (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon