Kabanata 23

12.5K 535 43
                                    

Kabanata 23
Seryoso ako...
-

Naalimpungatan ako nang naramdaman ng aking katawan ang pagkagusto na umihi. Sinisipat ko pa ang madilim na paligid nang biglaang may gumalaw sa tabi ko. Nakayakap sakin ang isa nitong braso at ang isa naman ay naka-pahinga sa kanyang ulunan. Inihilig ko ang aking mukha at nasilayan ang nakapikit nitong mapupungay na mga mata. Tulog na tulog ito. Pinagmasdan ko lang siya. He looks so calm and still. Nakakagaan sa pakiramdam ang makita siyang ganito. Yung hindi galit at yung hindi gusot ang mukha.

Maybe, I can go now? Mukhang maayos na naman siya.

Humugot ako ng lakas para makawala sa kanyang mga bisig ngunit hindi pa ako tuluyang nakakabangon ay idiniin na niya ang kanyang sarili sa akin. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya na pakiramdam ko ay takot na takot siyang iwanan ko siya.

"Equinox.." halos napapaos niyang sabi. Halatang nagising. Pero nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata.

"V-Vladd, I think I should go. Wala na naman yung lagnat mo and sa palagay ko naman, hindi mo na ako kailangan dito. "

Naramdaman ko ang pagpapakawala niya ng malalim na hininga. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. I can feel the coldness to those, pero hindi ko matukoy kung bakit nahuhumaling parin ako dun hanggang ngayon."There's a difference between need and want, Equinox. Yea, I don't need you here anymore but it doesn't mean that I don't want you here."

Ramdam ko kung paano lumakas ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko mawari kung bakit nagkaganun. "V-Vladd..."

"Matulog kana. Bukas ka nalang umalis," ma-awtoridad ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig kaya maski ako ay walang magawa. Pumikit nalang ako at hinayaang dito nalang tuluyang magpalipas ng gabi.

Kinaumagahan ay nagising ako nang wala na si Vladd sa tabi ko. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto niya. Pasadong alas-singko palang ng umaga. Bumangon ako at nag unat-unat.

"You can leave."

Nilingon ko si Vladd na kasalukuyang naghahalo ng mainit na tsokolate sa kanyang tasa.

"No need to remind. Aalis talaga ako." nakangisi kong tugon. Hindi niya ako sinulyapan at tila walang narinig. Napailing na lamang ako. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali niya.

Sinuklay ko gamit ang aking kamay ang aking gulo-gulong buhok. Ayoko naman kasing umalis dito ng walang mukhang maihaharap. Nang tuluyan ko ng naayos ang sarili ay humakbang na'ko palabas ng pinto pero bago iyon ay umimik siya.

"Uh," tinaasan ko siya ng kilay. "S-Salamat." dugtong niya at tuluyan ko nang isinara ang pinto ng kanyang kwarto. Napangiti na lamang ako ng lihim. At least, marunong pala siyang mag-pasalamat.

Nagtungo muna ako sa aking kwarto. Naligo at nagbihis pampasok. Ipinuyod ko ang aking buhok sa isang french braid and viola! Ready to go na ako.

Naglakad-lakad ako sa kahabaan ng hallway. Wala pang katao-tao dahil maaga pa naman. Paniguradong kakagising lang ng mga 'yon at naghahanda pa lamang sa pagpasok. Rinig na rinig ko ang ingay na ginagawa ng suot kong itim na sapatos ganun din ang mahinang yapak ng taong sumusunod sakin. Alam ko. Alam kong may kanina pa sumusunod mula sa likod ko dahil nararamdaman ko iyon.

Huminto ako saglit at naramdaman ko din ang paghinto niya. Hindi ako lumingon pero hinayaan kong lumabas ang mga salita mula sa bibig ko.

"Stop following me."

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Humakbang siya papalapit sa akin at nagsalita sa tapat ng aking kaliwang tenga. Nakiliti ako sa ginawa niyang iyon.

Morfienn Academy (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon