Kabanata 9

14.4K 573 48
                                    

Kabanata 9: Other's trap

Lumipas ang ilang araw matapos naming matuklasan ni Vladd ang tungkol sa pekeng magic potion. Hanggang ngayon ay wala paring balita sa isinagawang imbestigasyon. Though may prior suspect na sa nangyari ay kinakailangan parin ng matibay na ebidensya para matanggap nito ang parusa.

"You're late."

Inilagay ko sa locker ang mga gamit ko pang-training at agad na nilapitan si Infinite na ngayo'y nakasandal sa gilid ng boxing ring.

"What? Are you mad?" tukso ko. Tinalikuran niya ako at may kinuha mula sa loob ng katabing kahon.

"Put this on."

Sinalo ko ang inihagis niyang blindfold. Agad na nagsalubong ang kilay ko.

"Anong gagawin ko dito?"

"Anong klaseng tanong yan? Syempre isusuot."

Napaikot ang mata ko. I just find this man really annoying sometimes. Anong klaseng sagot iyon?

"Paraan saan nga?" Iritado na ang tono ng aking boses. Umabante ito papalapit sa akin, umatras ako ng isa.

"To supercharge your senses, Nox. Isama mo na rin ang common sense." Binangga niya ang aking balikat bago lumagpas ng lakad papunta sa gitna.

My jaw almost dropped. Sinundan ko siya ng tingin. Did he just mocked me?

Huminga ako ng malalim at padabog na sinuot ang blindfold na hawak.

"For today's training, the rules are simple." Fin's hoarse voice echoed around the hall. "Una. Bawal hawakan ang blind fold. Pangalawa, Bawal mandaya. And lastly, obey rule no. one and two."

Iginilid ko ang aking mukha para mas marinig ang kanyang sinasabi.

"All you have to do is focus. Listen to every sound you can hear and be attentive." Saglit siyang nanahimik. I didn't like that kind of silence. It's making me feel uncomfortable. Hindi ko tuloy alam kung kakabahan ba ako o kakalma.

"Are we good to go?" Naramdaman ko ang presensya niya sa aking likuran. Mabilis ko siyang nilingon.

"Chill. Wala pa akong ginagawa."

Hinigit niya ang aking kamay at ipwinesto ako sa gitna ng hall. My hands starts to sweat.

He chuckled for a second and then everything went quiet. I let out a deep audible breath.

Hindi ko alam kung saan magsisimula. Maybe I should just follow Fin's instruction.

And that is to focus first.

Well, I understand that the ability to focus is critical for learning new things. Kapag nakatuon ang atensyon sa isang bagay mas mabilis maisakatuparan ang plano. Today, what I am aiming to do is to successfully accomplished this brain training. So I guess I have no other option but to work things out. Sa kahit anong paraan na alam ko.

I straighten my back at muling huminga ng malalim.

From what I've read, Our brain is always seeking out what's new and what's next. That's why an average human has only eight-second attention span. Pero mas higit doon ang kailangan ko. The reason? Hindi normal ang mga kasama ko at kinakailangan kong sumabay sa agos nila.

Kaya ang unang naiisip ko to increase my focus is to change the way I view it. It is through a combination of mindset and tools. And so, I calmed my brain and let my body relax for a moment. Inisip ko ang mga bagay na karapat-dapat lang sa aking atensyon and the rest ay isinawalang-bahala ko.

Morfienn Academy (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon