Kabanata 22

12.5K 583 30
                                    

Kabanata 22
Pain and Cure...
-

Dali-dali akong tumakbo palabas sa masukal na kagubatang iyon. Gusto ko sanang bumalik doon upang daluhan si Stacey at alamin ang naging kalagayan niya after ng malawakang pagsabog, ngunit inunahan na kaagad ako ng takot dahil kung sakali mang wala palang nangyari sa kanya at binalikan ko pa siya doon ay paniguradong magkakaroon lamang ng away at labanan sa pagitan namin, na siya namang iniiwasan ko nang mangyari.

Napahinto ako bigla nang makarinig ng kakaibang ingay sa paligid. Tanging ang malalaking yabag ng yapak lang na iyon ang pumapa-ibalot sa buong gubat. Matinding takot ang nararamdaman ko sa bawat segundong dumadaan. Pakiramdam ko ay gusto kong magtago sa kung saan at huwag na kailanman lumabas doon. Pero nakasi-sigurado akong hindi lamang iyon basta kung ano, kundi tao iyon! May tao sa paligid!

Gustuhin ko man ang umalis... gustuhin ko man gawin ang lahat ng bagay na gusto ko, ngunit ang katawan ko na mismo ang umaayaw.

Hindi na'ko nag-abalang kumibo. Hinintay ko na lamang na sumilay ang nagbabadyang panganib na alam kong papalapit na sa akin alin sa mga oras na ito.

Ramdam ko ang mabilis na paggalaw ng bagay na iyon. Tila nagmamadali, at parang hinahabol. Mayamaya lamang ay narating na niya ang mismong kinalalagyan ko. Gulat at pagkasiya ang naramdaman ko nang sandaling nagtama ang aming mga mata.

"Equinox!" hagulgol niya sabay takbo papalapit sa akin at binigyan ako ng isang mahigpit na mahigpit na yakap.

"S-Skylar..." basag ang aking boses. Hindi ko na din napigilan ang sariling hindi umiyak. Sinuklian ko ang mga yakap niya. "Luka! P-Pinag-alala mo'ko! Nakakainis kaaa! A-Akala ko... akala ko.."

"Ssh. T-Tahan na bes...Tahan na..." tinapik-tapik nito ang likod ko. Halos sabay naming pinapatahan ang aming mga sarili. Hinayaan lamang namin ang isa't-isa na magkayakap sa mahabang oras na iyon.

Mayamaya lamang ay kumalas na kami mula sa mahigpit na pagkakayakap. Puno nang takot at pagkalungkot ang aking mga mata at siguradong ganun din ang sa kanya.

"A-Anong ginawa nila sayo? S-Sinaktan ka ba nila? Pinahirapan?! Saan ka nila dina-"

"Nox...Nox, huminahon ka..." hinawakan niya ang dalawang braso ko at pilit akong pinapakalma. "Nothing bad happened to me. Natakasan ko sila." her voice is full of assurance na kahit ako ay agad-agad nakumbinsi.

"H-How come? Siguradong mahirap at imposible iyon! Masyado silang malakas!"

Ngumiti siya sa sinabi ko. Isang ngiti na hindi ko inaasahan lalo na sa ganitong sitwasyon. Nagkunot ako ng noo.

"Oh c'mon Nox... Remember? I can teleport!"

Unti-unting lumambot ang ekspresyon ko sa sinabi niya. Yea right. Bakit nga ba nakalimutan ko ang bagay na iyon? tsk.

Nilapitan ko siya at niyakap muli. Isiniksik ko ang aking ulo sa balikat nila. Naaamoy ko ang bango ng kanyang buhok. Amoy strawberry ang mga iyon! Napa-pikit ako ng mariin at pinigilan ang pagdaloy muli ng nagbabadyang luha sa aking mga mata. Ang bestfriend ko... "Oh God. Hindi ko alam ang gagawin ko kung may nangyari sayong masama!"

Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. Pakiramdam ko ay meron akong ate kapag siya ang kasa-kasama ko. "That's why, I love you Nox... you always care for the one you love."



Hindi na'ko nakasagot pa at tuluyan na talagang umikot ang paningin ko. Kahit papaano ay masaya ako at siya ang kasama ko.

Nagising ako dahil sa malakas na ingay. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at bumungad kaagad sakin ang isang kulay berde na Adonis. I mean--kulay berde na mga mata. Ang makapal na itim na linya sa itaas nito ang siyang nagpa-anggas lalo ng kanyang dating. Ang tukling naman ng kanyang matangos na ilong ay halos lumapat na sa akin. Malapit din sa aking mukha ang isang pulang-pula na bagay na parang kay sarap idikit sa aking mga labi. At ang kanyang maamong mukha ay parang pamilyar at sobrang nahahawig kay...

Morfienn Academy (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon