Kabanata 5

15.8K 736 34
                                    

Kabanata 5: Beginner's luck

Kasalukuyan kong tinatahak ang daan patungong Medium class. Huli na nang pagsisihan ko ang pagsunod sa utos ni Miss Willow na dalhin itong tatlong malaking kahon sa propesor na nagngangalang Dim. 

Medyo nagpatigil-tigil pa ako sa paglalakad dahil sa kabigatan ng dalahin.

"Siya 'yon diba? Yung babaeng nagmamatapang sa lower class?"

Iginilid ko ang aking tingin upang sulyapan ang babaeng nagsalita sa hindi kalayuan. Kasama nito ang iba pa niyang kaibigan.

"She's unbelievable. Kapal ng mukha..." dugsong ng isa sa kanila. Agad nila akong tinapunan ng masamang tingin. I can't help but took a deep breath bago muling nagpatuloy sa paglalakad.

"Nox!"

Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses.

"Over here!" Lumapad ang ngiti ko nang magtama ang aming mga mata. Mabilis akong lumapit sa kanya.

"Skylar," bati ko. Kinuha niya ang ibang kahon na aking bitbit at dinala iyon.

"San mo ito dadalhin?"

"mhm..." Tumikhim ako. "Kay Professor Dim. Do you know him?"

Agad itong natigilan sa paglalakad at hinarap ako. "K-Kanino?"

She's now making some weird facial reaction na mabilis kong ikinabahala.

"May problema ba?" umabante ako upang suriin ang mukha niya na unti-unting nawalan ng kulay.

Walang pagaalinlangan niyang ibinalik ang kahon sa akin. "I'll help you some other time."

Nagmamadali akong tinalikuran ni Skylar. Mabilis kong hinarangan ang kanyang nilalakaran. "Hindi ko alam ang issue mo pero could you at least show the direction to his office?"

Bumagsak ang tingin niya sa brasong hawak-hawak ko. Mabilis ko iyong binitawan. She unconsciously bit her lower lip. "Sorry, it's just...H-He's the least person I want to meet."

Pinagsalubungan ko siya ng kilay.  Huminga ito ng malalim at inayos ang pagkakapatong ng mga bitbit kong kahon. Tinanggal din niya ang mga nakatabon na buhok sa aking mukha.

"You'll know the reason once you meet him." she patted my arms at iminonstra ang daan. "Turn right then kumaliwa ka. Sa dulong bahagi makikita mo ang office niya. May signage sa labas kaya di ka mahihirapan."

After giving the direction ay nagpaalam na ito sa akin. Saglit kong tinanaw ang paglakad nito palayo sa kinatatayuan ko. I wonder why she refused to accompany me. 

Nagpatuloy ako sa paglalakad. After a few minutes ay narating ko ang office na kanina ko pa hinahanap. Without hesitation ay itinulak ko ang glass door gamit ang aking balikat. 

Agad kong inilibot ang tingin sa loob ng silid. Magulo ito at tambak ang papel sa gilid maging sa ibabaw ng desk.  

"Anong ginagawa mo dito?"

Mula sa aking likuran ay sumulpot  ang isang may edad na lalaki. Nakasuot ito ng antipara at puno ng singsing ang kanyang kaliwang kamay. Napansin ko din ang mahabang tahi sa kanyang leeg. Inilapag ko ang mga kahon na bitbit sa lamesa. 

"Pinapabigay po ni Miss Willow." 

Hindi siya nag-aksaya ng panahon na buksan ang mga kahon. Bumagsak ang tingin nito sa makapal na libro na nasa gilid ng kanyang study desk. Inihagis niya iyon sa akin. Muntikan ko na iyong hindi masalo. 

"Follow me." Isinuot nito ang makapal na jacket na nakapatong sa kanyang swivel chair. 

Labag man sa loob kong sundin siya ay hindi ko na din nagawang umangal. Sinundan ko ang direksyon ng kanyang pupuntahan. I'm not yet familiar with the place. Papalabas na ito ng building ng Medium Class.

Morfienn Academy (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon