Epilogue

3.1K 106 2
                                    

     

                       Epilogue

Magkasamang nagtungo ang mag asawang Kristine at Lander sa sementeryo.

Limang taon na ang nakakalipas pagkatapos ng masamang pangyayaring iyon sa kanilang buhay. Sa huli ay sila na ring dalawa ang nagkatuluyan.

" Masaya na siguro sila kung nasaan man sila Pards." sabi ni Lander sa asawa. Pards ang tawagan nila para unique ika nga.

" Alam ko Pards, kasama na nila ang Panginoon sa langit. Pero nakakapanghinayang rin ano. Mas masaya siguro kung nandito sila." umiiyak ng sabi ni Kristine habang nakatingin sa tatlong libingan na magkakatabi sa malaking museleo na iyon. Dito magkakasamang nakalibing ang tatlong nasawing sina Lola Ditas, Apo Lamberto at Albert.

" Bakit, masaya naman tayo ngayon diba, kahit naman wala na sila ay hindi sila mawawala sa ating puso at isipan. Lalo na at hindi naman nasayang ang kanilang pagsasakripisyo." masuyo nitong niyakap ang asawa.

" O kayong mag asawa, kanina pa kayo hinihintay ng dalawang makulit na bata sa kotse." nakangiting sabi ni Ginang Merriam.

Nakaligtas ito sa bingit ng kamatayan. Hindi kasi sila nawalan ng pag asa at pananalig sa Diyos. Kahit na sinabi na sa kanila ng doktor na wala na itong pag asa. Pero hindi sila sumuko.

At tila dininig naman ng langit ang kanilang panalangin. Himalang nagmulat ng mata ang ginang at laking gulat ng mga doktor sa himalang nangyari.

Makalipas lang ang isang buwan ay malakas na ito at nakalabas na ng ospital. Saka lamang nila ikinuwento rito ang lahat ng kanilang pinagdaanan.

Todo todo naman ang pasasalamat nito sa Diyos dahil sa nalaman.

Pagkalipas muli ng dalawang buwan ay nagpakasal sina Lander at Kristine.

Masayang masaya na ang kanilang pamilya. Madalas na ring bumisita sa kanila ang Mommy at Daddy ni Kristine. Alam na rin nito ang pinagdaanan nila. At sinisi pa nga ng mga ito ang sarili dahil sa pagkamatay ni Lola Ditas, pero ipinaliwanag niya naman ang Lahat.

Magka akbay ng lumabas sa Museleo ang mag asawa at isa pa muling lingap ang iniwan ni Kristine. Nakita pa niya ang masayang pagkaway nina Lola Ditas , Lolo Lamberto  at Albert sa kanya. Mababakas ang saya sa mukha ng mga ito. At tuluyan ng naglaho ang mga ito.

Sobrang galak ang naramdaman niya. Ngayon sigurado na siyang masaya na ang mga ito.

" Mommy!! Daddy!! Momsie!!!" magkasabay na salubong ng dalawang anak nina Kristine at Lander.

" O behave ba kayo dito Lance?" tanong ni Lander sa anak na panganay na lalaki. Apat na taon na ito ngayon.

" Yes Daddy, !!" masiglang sagot ng bibong bata.

" E ikaw prinsesa namin good girl ka ba? malambing na tanong ni Kristine sa magtatatlong taong bunsong anak na si Kleandra."

" Opo Mommy!!" at nagpakarga na ang bibo ring si Kleandra.

Masaya namang pinagmasdan ni Lander ang kanyang pamilya. Wala na siyang mahihiling pa. Alam niyang may mga pagsubok pa silang pagdadaanan pero magkakasama naman nila itong lulutasin.

" Mommy, im hungry na po" sabi ng nakapout na si Lance.

Malakas naman silang nagtawanan dahil sa sinabi ng bibong bata.


The End..

Maiksi lang po ito dahil happy ending ito..'-))))

Laman(Completed)Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon