Chapter 24

4.5K 99 7
                                    

                   Chapter 24

Aemy's POV

   Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko yung matandang kuba habang pinapanood ang nangyayari sa isang grupo ng mga kalalakihan, animo ay isang pelikula ang nangyayari sa mga ito, isang brutal at kapangapangilabot na pelikula. Natutop ko nalang ang aking sariling bibig upang mapigilan ang aking pagsigaw ng makilala ko ang grupo ng mga kalalakihan na ngayon ay dalawa nalang ang natira sa kanila, ito ang grupo na hiningan ko ng tulong at palihim na sumunod samin kanina, ang grupo ni Lucas o kung tawagin ay Demon Slayer! Kitang kita ko kung paano pagpirapirasuhin ang katawan ng pinakapinuno sa mga ito si Lucas...

       Nakaramdam ako ng awa sa kanila, pero wala naman akong magagawa akala ko kasi isang simpleng kampon lang ang mga ito, hindi ko naman alam na ganun pala sila karami. Napatakbo naman ako ng biglang lumingon sa gawi ko ang matanda! Hingal na hingal akong bumalik sa tabi ng wala paring malay na si Lander. Panalangin ko, sana ay hindi ako nakita ng matanda.

" Saan ka galing?? Nakita kitang tumatakbo.." biglang salita sa may likuran ko.

" Ah... ehh.. naghanap kasi ako ng banyo.. kanina pa kasi ako naiihi eh" kinakabahan man ay iyon nalang ang idinahilan ko.

Tumitig lang sakin ang babae, lumapit na ito sa natutulog paring binata. Hinaplos nito ang gwapong mukha ni Lander. Hindi ko na iyon pinansin dahil malakas parin ang kabog ng aking dibdib. Naupo nalang ako sa isang malaking bato malapit sa mga ito. Binalot na ng takot ang buong katauhan ko, wala na ang mga taong pwedeng makatulong pa sa akin...

Kristine' s POV

       Nakakamangha talaga ang kakayahan ni Apo Lamberto... Akalain mo yun, kaya niya pala ang magbukas ng isang lagusan patungo sa kung saan.

" Iha, handa kana ba?" seryosong tanong sakin ng albularyo.

" Opo, kakayanin ko po, at napapikit ako at taimtim na bumigkas ng dasal.

" Kung ganon, halina kayo , wala na tayong oras" wika nito samin.

Kasama rin kasi namin si Albert, ayaw sana ni Apo Lamberto na sumama ito pero mariin ang naging pagtutol ng binatilyo, ika nito ay hindi rin naman ito matatahimik kung magpapaiwan ito, hindi ko maiwasang makonsensiya dahil nadamay pa ang mga ito. Pero wala naman akong magagawa. Andito na to at wala na akong magagawa pa.

Inutusan na kami ni Apo.Lamberto na maghanda na. Naunang pumasok ito sa lagusan, sumunod ako sa kanya at nasa hulihan naman si Albert.

Diyos ko.. kayo na po ang bahala sa amin, iligtas niyo po kami at wag niyo pong hayaan na manalo ang kasamaan.." taimtim ko muling dasal sa isip.

Napamulagat ang mata ko sa lugar na kinatatayuan namin sa ngayon, nababalot ito ng hamog at maiitim na ulap ang makikita sa kalangitan. Sigurado akong walang kahit anong nabubuhay rito kasi maging ang mga puno ay mga patay na. Hindi rin maganda ang amoy sa lugar na ito, parang amoy patay na daga , pero mas masahol pa ang amoy dahil napakasangsang talaga. Kaya hindi ko napigilang magtakip ng ilong.

Nilingon ko naman si Albert sa likod ko, maging ito ay nagtakip na rin ng ilong at mababakas sa mukha ng binatilyo ang pagkamangha at kilabot sa nakikita sa paligid.

Tiningnan ko rin si Apo Lamberto na kaagapay ko sa paglalakad. Walang ekapresyon ang mukha nito maliban sa pagiging seryoso , marahil ay sanay na talaga ito sa mga ganitong bagay.

Nag umpisa kaming naglakad, nakakatakot talaga ang lugar na ito.

" Kailangan tayong maging handa, sa ngayon ay ligtas pa tayo dahil sa ginawa kong orasyon upang hindi malaman ng mga kalaban ang pagdating natin, pero oras na mawala na ang bisa ng orasyon, marami ng kababalaghan ang mangyayari sa atin, " mahabang babala nito sa amin.

Laman(Completed)Wattys2016Where stories live. Discover now