Panaginip o Katotohanan?

5.3K 123 6
                                    



                        CHAPTER 3





Naalimpungatan siya sa gitna nang kakahuyan. Agad siyang nagtaka kung paano siya napunta dun.

"Nasaan ako? Tanong niya sa sarili.

Ang huling natatandaan niya ay naglalakad siya sa kahabaan ng lansangan. Pinilit niyang makatayo, masakit kasi ang mga paa niya. Naisip niya na mula pa kaninang umaga ay naglalakad na siya kaya masakit na ang kanyang mga paa. Nagawa naman niyang makatayo. Naglakad siya , hindi niya alam kung saan siyang direksiyon patungo. Basta naglakad nalang siya, para makahanap ng bahay o tao na mahihingan niya ng tulong at nang malaman na rin niya kung nasaan ba talaga siya. Halos kalahating oras na rin siyang naglalakad. Pagod na pagod na siya. Nakakaramdam narin siya nang sobrang uhaw at gutom. Pinilit niyang muling makahakbang , hindi siya pwedeng sumuko. Muli siyang naglakad. Mga ilang minuto pa ay may natanaw na siyang kubo. May umuusok dun kaya nasisigurado niyang may taong nakatira don. Pagtapat niya sa may tapat nang pintuan ay agad siyang kumatok.

   " Tao po! tawag niya. Nakatatlong katok siya nang may magbukas nang pinto. Isang matandang babae ang humarap sa kanya. Kulubot na ang balat nito. Isa rin pala itong kuba.

   "Magandang araw po. Pwede po bang makiinom? Hirap man ay nagawa niyang sabihin. Saglit siyang tinitigan nang matanda.

  "Pasok ka" malamig na sagot nito.

Hindi na siya nag isip pa, agad siyang pumasok. Agad siyang inabutan nang matanda nang isang basong tubig. Mabilis niya itong naubos. Naginhawaan siya pagkatapos uminom nang tubig. Nakita niyang lumabas ang matanda. Iginala niya ang paningin sa buong bahay. Maraming kung ano anong bagay ang naroon. May ibat ibang uri nang manika. Mga halamang hindi niya mawari kung ano bang klase. Nakadama siya nang kilabot na di niya mawari nang mapatuon ang paningin niya sa estatwang may dalawang sungay nang demonyo sa ulo at may mata sa may noo. Animoy may sarili itong buhay kaya hindi niya maiwasan ang mangilabot. Inalis niya ang paningin rito, talagang kinikilabutan siya. Maya maya pa ay muling pumasok ang matanda. May dala itong kaldero at inilagay sa mesang kahoy na andoon.

  " Halika kumain ka muna." nakngiting alok nang matanda.

Medyo nagtaka siya nAng makita ang ngiti at sigla nang matanda. Samantalang kanina ay malamig pa sa yelo ang pakitungo nito sa kanya. Wala siyang pag aalinlangan na lumapit sa mesa. Lalo pa siyang nagutom sa pagkaing nakahain. Adobong karne at nilaga ang ulam na nakahain. Agad siyang naglagay nang kanin sa plato niya. Kumuha rin sya nang mga ulam. Lalo siyang ginanahan nang matikman niya ang karne. Hindi niya maipaliwanag kung gaano ito kalinamnam. Ngayon lang siya nakatikim nang ganon kasarap na karne. Masyado itong malasa at malambot ang laman. Nakalimutan na nya ang nasa paligid niya dahil sa sarap nang pagkain. Halos patapos na siya nang maalala niyang hindi man lang niya nagawang alukin ang matanda.

" Lola, pasensya na po kayo sakin, hindi ko na po kayo naalok at nahintay kumain, gutom na gutom na po kasi ako eh, saka napakasarap po nang ulam kaya nakalimutan ko nang alukin kayo" hinging paumanhin niya sa matanda.

" Huwag mo akong alalahanin ineng, tapos na naman ako. " may ningning sa mata na sagot nito.

" Ako nga po pala si charry, pakilala niya.

"Upeng ang pangalan ko ineng" Hindi mawala ang matamis na ngiti nito sa labi.

" Eh lola upeng, anong lugar po ba ito? Hindi ko po kasi alam ang lugar na ito. Taga maynila po kasi ako." Tanong niya sa matanda.

" Hindi na importante.... pasasaan ba at malalaman mo rin ang lugar na ito... makahulugang sambit nito.

Magtatanong pa sana siya nAng makaramdam siya nang pananakit nang tiyan. Agad siyang namilipit sa sakit. Parang hinahalukay ang kanyang tiyan. Kinakapos na rin siya sa paghinga. Parang may gustong lumabas sa kanyang tiyan. Pinilit niyang tingnan ang matanda. Kinilabutan siya nang makita niya ang panlilisik nang mata ng matanda. Isang makahulugang ngiti muli ang sumilay sa labi nito. Tingin niya ay tuwang tuwa pa ito sa nakikitang pangyayari sa kanya.

Laman(Completed)Wattys2016Where stories live. Discover now