Chapter 18

4.3K 100 4
                                    

                       Chapter 18

"O Lander iho, ke aga aga alak agad yang inaatupag mo, may problema kaba?" nag aalalang tanong ni Ginang Merriam. Hinagod nito ang likod ng binata.

" Ok lang ako ma, may konting misunderstanding lang." matipid na sagot ng binata.

" Im your mother, pwede mong sabihin sakin anuman ang problema mo." umupo ito katapat ng binata.

" What if ma, kayo ang nsa situation ko, sino ang mas papaniwalaan mo, ang babaeng mahal mo o ang babaeng matagal mo ng kaibigan" panimula ng binata.

" Hindi ko masasagot yan anak, tanging ikaw lang..." Are you referring to Aemy and Kristine?" tanong nito.

Tumango naman ang binata. Namomroblema kasi ito sa sinabi ni Kristine. Parang nais niyang paniwalaan ito dahil sa matagal na niya itong kaibigan.  Nagulat siya sa rebelasyong may lihim palang gusto sa kanya ang kaibigan. Mahal niya si Aemy , at gusto niya itong paniwalaan.Pero aaminin naman niyang nagkaroon siya ng doubt sa kanyang kasintahan. Naisip niya, kailangan niyang malaman kung totoo ba ang sinasabi ni Kristine.

" Hindi kita papakialaman sa anumang magiging desisyon mo anak, nasaiyo ang pagpapasya" Matapos makapagpaalam sa anak ay nagtungo na ito sa silid nito.

Napapangiti naman sa kanyang pinagkukublihan si Chynna. Masaya siya sa nangyayari sa relasyon nito at ni Aemy. Naisip niyang mukhang tumutupad ito sa kanilang usapan.

Lumabas siya sa pinagkukublihan at lumapit sa binata.

" Mukhang may problema ka ah" bati niya sa binata.

Napatingin naman ang binata sa mukha ng magandang babae, marami na siyang naiinom kaya parang nakakaramdam na siya ng pagkahilo.

" Bakit.. mukha ba akong may problemA? mapakla pero nakangiting sagot ng binata.

" Halata kaya.. saka ke aga aga alak ang almusal mo.. " nakangiti ring sabi ng dalaga.

" Konting problema lang.. Medyo nahihilo na nga ako eh, pasok muna ako sa kwarto ko."

Tumayo naman ang binata, pero agad muli siyang napaupo dahil sa hilo. Hindi na niya kasi napansin na napaparami na ang naiinom niya.

" Ok ka lang ba Lander? Halika tulungan na kita. Hatid na kita sa kwarto mo." sabay niyang alalay sa binata.

" Hindi.. Ok lang ako , kaya ko naman," awat nito, pero muli itong napaupo dahil sa pagkahilo.

" Tutulungan na kita , hayan nga at hindi ka na makatayo.." at iniakbay na ng dalaga ang braso nito sa kanyang balikat.

Nagpatianod nalang si Lander, hindi na naman niya kasi kaya. Dala na siguro ng kalasingan ay palihim niyang inamoy ang katawan ng dalaga. Halos magkadikit na kasi ang kanilang katawan. Napakabango nito. Bagay na bagay ang suot nitong bestida na lalong nagpatingkad sa kaputian nito. Naisip ng binata lasing na nga siya, dahil pakiramdam niya ay pinagnanasahan na niya ang magandang dalaga.

Nakapasok na sila ng kanyang silid , inalalayan ni chynna sa paghiga ang binata. Hindi naman sinasadyang napabigla sa paghiga ang binata. Dahil sa nakaakbay parin ito sa dalaga ay napasama siya at napadapa sa ibabaw ng binata.

Halos maglapat na ang kanilang mga labi. Nagkatitigan sila, unang nagbaba ng tingin ang binata.

" Sorry, hindi ko sinasadya," lasing man ay pilit niyang ibinabalik ang isip sa katinuan.

Pero imbes na umalis sa ibabaw ng binata ay ngumiti pa ng ubod ng tamis ang dalaga.

" Maganda ba ako Lander? " mapangakit na sabi ng dalaga.

Laman(Completed)Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon