Buhay ng Api

11.2K 177 8
                                    

CHAPTER 1

Cast of Characters

Dingdong Dantes as Lander
Marian Rivera as Charry/Chynna
Kristine Hermosa as Kristine
Angel Locsin as Aemy
Jackylyn Jose as Mrs . Merriam
Celia Rodriguez as Tandang Upeng










"Charry!!!! Gumising kana!!! sigaw nang kanyang inang si Aling Susan.

Pupungas pungas pa na bumangon sa pagkakahiga ang dalaga. Napuyat kasi siya kagabi. Pakiramdam niya ay napakabigat nang kanyang ulo. Nababagot na siya sa buhay na mayroon sila. Nakatira sila sa isang maliit na kwarto. Nangungupahan lang sila sa may squatter area sa may Tondo.

Tamad mang bumangon ay ginawa narin niya. Niligpit na rin niya ang luma niyang kumot. Pati narin ang gula- gulanit na banig na nagsisilbi niyang sapin sa pagtulog. Ganoon siya sa araw araw.

"Charry!!! Ano ba?! Tanghali na, aba'y kumilos ka na at nang may mangyari naman sa buhay natin!! sigaw muli nito.

" Opo andiyan na" matamlay na tugon niya. Minadali na niya ang kilos. Katakot takot na sermon na naman ang makukuha niya sa ina pag nagkataon. Silang dalawa nalang ng kanyang ina ang magkasama sa buhay. Nilayasan na kasi sila ng lasenggong tatay niya. Sumama ito sa babae nitong bayaran. Hinayaan nalang ito ng inang niya, katwiran nito ay wala rin naman itong silbi sa kanila. Bawas palamunin ika nga.

" Inang , ano po almusal natin? tanong niya. Humahapdi na kasi ang kanyang sikmura. Konting payless lang kasi ang kinain niya kagabi.

" Aba at naghanap ka pa!? Bakit malaki ba ang kinita mo kahapon? Heto nga at kulang na kulang pa sa pambingo ko !! Hala bahala ka na sa buhay mo, basta mamaya abutan mo ulit ako pag kumita ka. Kanina pa ako hinihintay nang mga amiga ko." mahaba nitong litanya.

Napayuko nalang ang dalaga. Nakaalis na ang ina. Awang awa siya sa sarili.

Naghanap siya nang kahit anong makakain sa madumi nilang kusina. Naghagilap siya kahit kape manlang. Ngunit wala rin. Konting asukal lang ang meron sila. Hindi na niya naiwasang mapaluha sa kahirapang dinaranas. Hindi man lang kasi siya nakapagtapos nang elementarya. Hanggang grade four lang siya, halos pahirapan pa dahil halos lumuha siya ng dugo pag aralin lang siya ng Inang niya. Pangangalakal ng basura ang pinagkakakitaan niya upang may makain sila ng sugarol na nanay niya.

Pinagtiyagaan nalang niya ang asukal. Tinimpla niya ito sa maligamgam na tubig at agad na ininom. Mainitan at magkaron man lang ng laman ang kanyang sikmurA. Pagkatapos ay naghanda na siya sa maghapong pangangalakal ng basura.

Matiyaga niyang pinupulot ang basurang pwede niyang ibenta. Nilalagay niya ang mga ito sa maliit niyang kariton. Napadaan siya sa may eskinitang malapit sa tindahan ni Mang Pastor. Napatigil siya sa pagtulak sa kanyang kariton. Natambay kasi doon si Aeron ang binatang lihim niyang hinahangaan. Napakagwapo talaga nito. Matangkad, maputi at makinis ang balat. Hanggang pagpapantasya at tingin nalang siya. Bukod kasi sa gwapo ay mataas ang pinag aralan ng lalaki, maganda ang trabaho nito bilang manager sa pinakamalaking supermarket sa kanilang lugar. Isa pa sa hitsura niyang iyon ay hindi naman siya nito mapapansin. Bukod kasi sa punggok na ay may kaitiman ang kanyang balat. Magaspang at puro kalyo ang balat niya, dagdag pa ang maghapong pagkabilAd niya sa sikat nang araw. Sa edad niyang dalawamput lima ay hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend. Kahit ang maligawan ay hindi pa niya nararanasan. Ikinondisyon narin niya ang sariling tatanda siyang mag isa. Hindi narin siya umaasa na mayroong lalaking magmamahal, magtatanggol at mag aalaga sa kanya. Di narin niya mararanasan ang magkaroon ng mga anak. Minsan nga naisip niya na hindi siya mahal nang Diyos dahil binigyan siya nito ng miserableng buhay. Lalo siyang nalungkot sa isiping iyon.

Isang lihim na sulyap pa sa binata ang kanyang ginawa at malungkot niyang nilisan ang lugar na iyon..

*****************

Itutuloy....

Laman(Completed)Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon