Buhay ni Tandang Upeng

4.6K 120 5
                                    



                     CHAPTER 5


Tahimik na naninirahan sa isang malayong baryo ang pamilya ni Upeng. Kakalipat lang nila doon, sa kadahilanang bawat lugar na lipatan nila ay hindi sila tumatagal. Kasama niya ang kanyang asawang si Rodolfo at ang kanyang anim na taong anak na si Kristy.Kadarating lang nila sa lugar na yon. Hindi na bago sa kanila ang mapaghinalang tingin na iyon nang mga tao. May maliit na bahay na uupahan sila roon. Pumasok na agad sila sa bahay. Malungkot na umupo sa may upuang kahoy ang batang si kristy. Inayos naman nilang mag asawa ang mga dala dala nilang gamit.

           Makalipas ang isang linggo, may nakuha nang trabaho si Rodolfo. Magsasaka siya nang palayan sa dulong bahagi nang baryo. Nag alaga naman siya nang isang dumalagang baboy at mga manok, katulong niya rito ang anak na si Kristy.

  " Inay, bakit ganon po ang mga bata sa bawat lugar na pupuntahan natin, ayaw po nila akong kalaro" minsan tanong sa kanya ng anak.

"Wag mo nalang silang pansinin anak, sagot niya.

" Gustong gusto ko pong sumali at makipaglaro sa kanila, wala po kasi akong kaibigan., " napaiyak na ito.

Naaawa naman siya anak. Pero wala siyang magawa  Lagi kasing natatakot ang mga tao sa kanila kahit wala naman silang masamang ginagawa..

"Gusto mo tayo nalang ang maglalaro? Tapusin ko lang tong ginagawa ko pagkatapos ay maglalaro na tayo." alo niya sa anak.

Tumango naman ito at pumasok na sa loob nang bahay.

Hapon na nang makauwi ang asawa niya.

"O mahal , mukhang pagod na pagod ka ah, salubong niya rito.

Hindi kumibo ang lalaki.

" Namatay na pala ang nagiisang anak na dalaga ni Mang Renato" sabi nito sa kanya.

"Ha? Bakit anong nangyari?

" Kinulam daw....maikli nitong sagot.
Kaya kailangan na nating lisanin ang lugar na to.

" Pero bAkit nAman? wala naman tayong kinalaman doon!?

" Pero ikaw ang pinaghihinalaan nila. Nakita ka daw kasing tinititigan mo ang anak ni Mang renato. " paliwanag nang asawa

"Nagandahan lang naman ako sa kanya kaya ko siya tinititigan..." paliwanag niya.

" Alam ko namang hindi mo gagawin yon. Dahil alam kong tinalikuran mo na ang sumpa nang inyong pamilya. " sabi nito.

" Hindi, hindi tayo aalis dito, wala tayong dapat ikatakot  naman tayong ginagawang masama sa kanla.
tanggi niya.

" Pero baka manganib tayo, sa nakikita ko sa mga tao dito parang naghihintay lang sila.nang tamang panahon para mausig tayo." nagaalalang paliwanag sa kanya ng asawa.

" Naaawa na ako kay Kristy, lagi nalang palipat lipat tayo... napaiyak na siya...

Patuloy naman siyang inalo ni rodolfo. Hindi sila umalis nang bayan na yon, sa kagustuhan narin niya. Nangako siya na magiging mas maingat pa.

Ilang araw lang ang lumipas ay halos nagkasunod sunod na ang ang pagkamatay nang kadalagahan sa kanilang baryo. At lahat ay si Upeng ang sinisisi. Lalo pang nanggalaiti sa galit ang mga mamamayan nang may makapagsabi sa kanila tungkol sa lahing pinagmulan ni Upeng. Nang gabi ring iyon ay napagdesisyunan nilang sugurin ang mag anak ni Upeng.

Laman(Completed)Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon