Puso para sa kagandahan

4.3K 119 0
                                    

                     CHAPTER 7

Mahigit isang linggo na siyang nakatira sa bahay nang Pamilya Cuevas. Sa loob rin nang isang linggong iyon ay naging impyerno ang buhay niya dahil kay Micky. Mabuti nalang at maganda ang pakikitungo sa kanya nina Mam Merriam at Lander. Lalong lalo na si Lander, napakabait nito. Hindi niya ito kinakikitaan nang pandidiri sa hitsura niya. Hindi niya maiwasang kiligin nang maisip niya ang gwapong binata.

"Hoy panget! Bakit parang kilig na kilig ka diyan ha!? sigaw nito sa kanya. Hindi niya napansin ang paglapit nito sa kanya. Kasalukuyan siyang nasa hardin nang bahay. Sila lang at ang mga katulong ang naiwan. May pinuntahang business trip sa Palawan sina Mam Merriam at Lander. At bukas na makakabalik ang mga ito.

" Hindi naman-. " tanggi niya.

"Saka napapansin ko , palagi mong tinititigan ang kuya Lander ko" Siguro may gusto ka sa kanya ano!? Kapal naman ng mukha mo! sita nito sa kanya.

"H-hindi totoo yan!! tanggi pa niya. Hindi niya maiwasang kabahan.

" Huwag ka nang tumanggi pa! Halatang halata ka na! Kapal mo rin ano!? Pati ba naman ang kuya ko pinagnanasaan mo!? Libre ka na ngang nakakatira dito eh, Pero sorry ka na lang hanggang pangarap ka nalang kasi sa tingin mo papatulan ka ng kuya ko sa hitsura mong yan!? Hahahahaha!!!!Asa ka pa! pangungutya nito sa kanya.

Napaiyak nalang siya sa masasakit na salitang sinasabi nito sa kanya.

" Huwag ka ngang umiyak diyan at lalo kang pumapanget! Nang magsabog yata nang kapangitan sinolo mong saluhan lahat! tumawa muli ito.

Napayuko pa siyang lalo. Napalitan ng matinding galit ang awang nararamdaman niya kanina para sa sarili. Mabilis siyang umalis sa harapan nang babae. Narinig pa niya ang pangungutya nito sa kanya.

Nanginginig siya sa galit na pumasok sa kanyang silid.

"Sumosobra na ang malditang iyon! Kung hindi lang malaki ang utang na loob niya sa Mommy nito ay matagal na niya itong pinatulan.! " sigaw niya sa isip.

Mahihiga na sana siya sa kama nang may marinig siyang boses.

"Oras na Charry".... sabi ng boses na animo'y galing sa ilalim ng lupa.

"T-tandang Upeng!? tAwag niya. Nasisigurado niyang boses iyon ng matanda.

"Oras na.... kailangan mo nang mag alay sa akin ng isang puso. " sabi mula nito....

Naghagilap siya sa buong kwarto. Hinanap niya kung nasaan ang matanda. Wala siyang nakita, mag isa lang siya sa silid.

"P-pero parang hindi ko kayang pumatay nang tao.... sagot niya kahit hindi niya nakikita ang matanda.

" Ayaw mo bang maranasan ang gumanda?... Ang sambahin ng mga lalaki?... Lalong lalo na ang mabigyan nang pansin ni Lander.... makahulugang sambit nito.

Alam niya kahit hindi niya nakikita ang matanda ay nakngisi ito.

Napalunok siya sa narinig. Pumasok sa isip niya ang gwapong mukha nang binata. Yun nalang ang tangi niyang hiling ang mahalin siya ni Lander..

"Ialay mo sa akin ang puso ng dalagang si Micky. Inaalipusta ka niya at hinahamak. Oras na para makaganti ka nAman sa panghahamak niya. "dagdag ng matanda.

Sa narinig ay agad nagsiklab ang galit sa loob niya. Ang masasakit na salita nito sa kanya. Parang wala sa sariling lumabas siya nang kwarto. Ang tanging nasa isip niya ay ang makaganti sa babaeng umaapi sa kanya.  Oras narin na maranasan niya ang mahalin at alagaan. Tama si Tandang Upeng. Napakasama nang ugali ni Micky. Kaya dapat ay hindi siya makonsensiya.

Laman(Completed)Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon