54 - College Life

42K 820 44
                                    

Sa huli akong gilid umupo nung magbukas na yung pinto nung room. Yung mga kapwa-freshies ko naman, ayun, sila yung mga nagkukumpulan sa unahan.

Super Classmate?

Sabi nila, yung magiging super classmate mo ay yung magiging parang super-buddy mo sa school na ito dahil ang sched mo -- sched din n'ya! Eh what's worst? Mukhang ka-section ko pa yung Cheeno! Bahala s'ya, hindi kami close!

Tahimik lang naman akong nakikinig dahil lecture class lang naman. Ahm, large class system kasi dito (180 students kami ngayon) tapos may recit (kung saan ay 25 students). Isang GE lang naman ito. At kung.. kilala ni blockmate si Cheeno.. ibig sabihin blockmate ko rin yun?!

Naku, napapala ko sa hindi pagpunta tuwing GI! Ang GI lang naman yung parang tutulong sa'yo sa pagsisimula dito sa campus (dahil mga ka-block mo mga andun). Di ako napunta tutal naglalaro lang naman kami doon (nung unang punta ko naglaro lang kami tss). Boring kasi!

At syempre nahihirapan akong mag adjust. Mahiyain nga ako eh, remember?

Matapos naman ang 1 hr and 20 minutes, pinalabas na kami. Tiningnan ko yung schedule ko tutal di ko pa saulo... Mamayang 1pm pa naman next class ko kaya kakain muna ako.

"Coleen, sabay na tayong kumain? :)" - text nung dormmate ko na roommate ko

"Sure, sige pabalik na rin naman akoo ng dorm :))" - reply ko naman.

Buti na lang talaga ay mukhang mabait itong roommate ko.

"Oi, sinusundan mo ba ako?!"

Napatingin ako sa unahan (dahil nakatingin ako kanina sa phone ko). At tae, itong Cheeno na naman ang nakita ko! Bwiset na ito aa

"Anong sinusundan? Kapal mo no? Kanina ka pa!" inis kong sabi sa kanya at umuna sa paglalakad. Dapat pala binilisan ko paglalakad ko eh!

"Sus pasimple ka pa" rinig kong sabi n'ya na nasa tabi ko na din pala kahit ang bilis kong maglakad.

"Sa Men's dorm po ako nagdodorm kaya magtigil ka" sabi ko pa sa kanya.

"Sa VMRH naman ako" sabi naman n'ya.

"Walang nagtatanong" sabi ko.

"Wala ring nagtatanong kanina" sagot naman n'ya.

Napatigil ako sa paglalakad dahil gusto ko na talaga s'yang batukan. I mean, sa tanang buhay ko, wala pang naglakas loob na bwisitin ako dahil nga sabi nila, mukhang reserved na reserved daw ako! Tapos tong Cheeno na ito! Naku!!!

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Bahala s'ya sa buhay n'ya! Sa dinami-dami kasi ng tao, bakit s'ya pa super classmate ko? Edi, lagi ko s'yang makikita dahil lagi ko s'yang kaklase this sem? Naku, magdadasal na ako kay SystemOne na magbigay ng subjects sa'kin na di tulad ng kanya! Pero sana ay hindi yung tipong 0 unit ako.

Dahil nakita ko na ang liwanag, este yung dorm namin na sobrang lapit na, agad akong tumawid para magkahiwalay na kami -----

"Magpapabangga ka ba?!" tanong n'ya sa'kin.

Napa-nganga na lang ako dahil hindi ko naman nakita na may sasakyan pala na ang bilis ng takbo!

Tiningnan ko s'ya at hawak pa rin n'ya braso ko. Syempre kinalas ko yun at saka tumawid na muli para pumunta na dun sa dorm.

"Oi ha! Nakita ko yon! Sparks! Sino yon? Gwapo ha!" bungad naman nung roommate ko na hinihintay pala ako don sa may entrance nung dorm.

"Tss, super classmate ko" sabi ko naman.

"So san tayo?" tanong ko pa.

"Mang Toto! Tara?" sagot naman n'ya.

Dahil tinatamad kaming maglakad, sumakay na lang kami sa jeep (which is Ikot & Toki ang tawag kung nasa Diliman while Kanan/Kaliwa naman pag sa UPLB). Matapos naming kumain ay sumakay ulit para bumalik ng dorm. Mamaya din naman ay 12:40pm na kaya nagsimula na akong maglakad papunta sa CEM FH para sa recit ng HUM2.

Umupo ako doon sa tabi ng isa kong blockmate na babae at usap usap naman kami ng konti. Nakita ko namang pumasok yung super classmate ko na may pagtingin pa sa'kin pero sinamaan ko lang ng tingin.

Matapos naman yung paghihintay ay dumating na yung prof namin na babae. Akala ko pa nga ay estudyante din dahil maliit s'ya pero di pala. Nagpakilala naman s'ya (tutal walang pasok nung 11) at,

"We wll have seating arrangement para madaling magcheck ng attendance. Alvarez, Shaira?" panimula n'ya.

Syempre dahil alam kong medyo pahuli pa ako, tumayo ako at naka-stand by lang sa gilid ng pader. Hinihintay ko kung saan ako uupo. Pabawas naman ng pabawas yung mga nakatayo habang tinatawag yung pangalan namin at napatingin ako kay Cheeno na nasa kabilang pader at katapat ko na naka-crossed ars at ang sama ng tingin sa'kin. Syempre sinamaan ko rin ng tingin!

Hanggang sa makita kong kaming dalawa na lang yung nakatayo. Pakshet?!

"Velasco, Cheeno Gabriel... at Velasquez, Coleen"

Wait.. ako ba yung huling tinawag?! Pero akala ko ba 25 kami? Eh bakit kaming dalawa lang yung nakaupo dito sa huling row sa kanan? Tig lilima yung row eh!

"Ok, tinawag ko ba lahat?" tanong ni Ma'am.

"27 tayo sa klase ha dahil tinanggap ko yung dalawang nag pre-rog" dagdag pa n'ya.

Whut?! Edi kaming dalawa nga lang yung magkatabi dito sa side na ito?!

"Paano ba yan? Mukhang lagi tayong magkakatabi, super classmate" sabi n'ya sa'kin sabay ngisi.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon