14 - Masisisi mo ba ako?

96.1K 1.9K 133
                                    

Nagtinginan ang lahat ng mag walk out si Kyle. Ay wait, ang walk out ay para sa mga artista. Ano, yang lumabas sya ng room kaya tahimik yung lahat at sinunod lang sya ng tingin.

Napansin ko naman ang kakaibang tingin ni Kristel sa'kin. Yung tipong nanloloko, base sa ngiti nya.

Nagpatuloy naman yung iba sa pagcocomputer. Narinig ko namang stressed daw ata si Kyle dahil isa sya sa nautusang mag organize ng Parents' Day namin.

Speaking of Parents' day, malapit na nga pala kaming grumaduate. Mamaya, finals na namin.., magproprom, masasaktan dun (charot), susuot ng toga, tatanggap ng diploma.. at magkakahiwa-hiwalay na kaming lahat.

Napansin kong kaharap ko pa pala si Jonas.

"Uy kanina pa kitang tinatawag" nakangiti nyang sabi sa'kin.

"Ah.. Ano nga palang---"

"May 2 movie tickets ako, libre ka ba bukas?"

Napatitig na lang ako sa kanya. Natigilan ako at iniisip ko kung libre nga ba ako bukas. Iniisip ko rin kung iniimbita nya ako para sa isang "date"?

"Oo, date" nakatingin sya sa ibang direksyon nung sinabi nya yun at napakamot ng batok.

Mamaya ay may nag "Ayieeee, may date sila!" akong narinig. Nag "Wowooo" naman yung iba kaya medyo uminit mukha ko.

"Pwede ba?" kinamot nya yung ilong nya matapos nyang sabihin yun.

"Text mo na lang ako mamaya" sagot ko.

Natapos ang Computer time namin kaya nagbalikan na kami sa room. Di ko alam ang gagawin dun sa activity kaya nagpatulong na lang ako kay Jonas kaya ayun, natapos nya namang mabilis yun at nai-save.

Pagpasok ko sa may kabilang pinto (sa likod) ay nakita ko agad si Kyle na nakaupo sa may silya nya at busy sa pagcecellphone. Siguro katext nya si Niña.

"Wala raw si Ma'am Aquino! Wowooowooooo!!!" narinig kong anunsyo ni Von este ni Vanessa (ang bading kong kaklase na nabunot ko) sa amin.

Bago pa makapag-"Yeheyy" yung iba ay nag "Hep!" agad si Vanessa at sinabing may iniwang exer.

Ang ganda ng upo ko ng marinig ko yung pangalan ko kaya napatingin ako kay Vanessa.

"Huh?" tanong ko dahil di ko narinig yung sinabi nya.

"Ikaw na lang daw magsulat! Absent daw si Secretary!" sabi nya. 

"Ah? Ba't ako? Si ano na lang! Si.." nag isip ako.

"O, wag na magpakaisip pa. Ikaw lang naman yung maganda sulat sa room!" sabi nya.

Tumayo na ako. Wala ng pa-humble effect. Ako naman talaga dapat ang secretary eh.. Kaya lang lamang ng isang boto si Erin (yung secretary namin) tapos nakita-kita kong bumoto pala si Kyle kay Erin @#%&

Anyway, past is past.

Sinimulan ko ng isulat yun. Exer na isusulat sa intermediate paper. Tapos 30 items pa. Pero buti at yung xerox na hawak ko ay para daw sa magsusulat sa board kaya I don't need to copy.

"Eyy guys!" narinig kong sabi nung Presidente namin.

"I'm thinking na magbonding bonding tayo before graduation." dagdag nya.

"Eyy? Di ba bawal yun?" sabi naman ng isa. 

"Oo nga, graduating kasi tayo di ba?" 

"Teka, graduating ka ba? Sure ka?"

At nagtawanan sila. Ako naman, I'm so eager to finish writing na para makaupo na at masagutan ko na. Umeenglish @#%&

"We're not going to swim naman eh. Di tayo mag reresort! It's like a group date! Class date! Eh kasi, I'm inspired kasi kanina sa mag-asawa! Kina Jonas at Coleen."

Napatigil ako at humarap.

"Di kaya! May isang extra ticket lang si Jo!" dipensa ko sa pagsasabing "date" daw yun.

"Wowww, "Jo" daw. Kilig na si Jonas nyan!" loko naman nung isang ka-tropa nya. Binatukan naman ni Jonas.

Sinilip ko naman sa peripheral view (gilid ng mata) si "Classmate". Akala ko makakakita ako ng pagseselos. Diretso lang naman sya sa pagsusulat at walang pakialam.

Sensya na, umaasa lang naman akong may meaning yung nangyari kanina. Wala nga.. Wala nga lang talaga yun.

Siguro pinagtatawanan na ako ng iba. Masisisi mo ba ako kung umaasa ako?

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon