51 - Miss na kita

42.5K 871 47
                                    

2 weeks later...

"Kyle?"

Hawak ko ang cellphone ko. Tinawagan ko s'ya at kabang kaba ako.

"(Coleen? Sa wakas tumawag ka din! Natatanggap mo ba texts ko? Mukhang busy ka ata.. Musta ka na pala d'yan sa UP? Mahirap ba mag adjust? Balita ko ang lalayo ng mga buildings d'yan eh.. lalo na pag PE.. Hindi ka naman napapagod? Gusto mo ba ng massage? Kelan uwi mo? Linggo na ah)" dagdag pa n'ya.

Huminga akong malalim, "Sorry..." ang sunod kong sinabi.

"(Ha? Para saan?)" tanong naman n'ya.

"Yung.. noon.. kase.. ang totoo n'yan.. pinagdudahan kita.. akala ko kasi.. na.. ahm" Di ko naman masabi yung gusto kong sabihin. Iniisip ko kung bakit ba ako nagduda? Wala naman kasing ka-duda duda sa kanya.. ewan ko ba sa sarili ko!

"(Ah.. pakiramdam ko.. alam ko na.. Tama nga yung payo ni Seth sa'kin.. mahirap pumasok sa relasyon na.. hindi pa natin kilala ang isa't isa.. lalo na kung.. yun nga, magiging malayo tayo sa isa't isa..)"

Nakaramdam ako ng kaba. Baka..

"G-gusto mo na bang itigil?" tanong ko.

"(Ha? Bakit naman?)"

"Ahm.. kasi.. feeling ko, ako yung problema" sagot ko.

"(Hindi.. hindi sa'yo yung problema.. sadyang ganon)" sabi naman n'ya.

"Pero kasi.. hindi pa tayo nagtatagal.. ganito na.."

"(Ikaw ba? Kung ikaw ba tatanungin ko.. Gusto mo na bang itigil?)"

Hindi naman ako nakapagsalita. Inisip ko.. gusto ko na nga bang itigil?

"Syempre.. ayoko.." sagot ko.

"(Ganun din ako)"

Katahimikan,

"(Coleen)" tawag n'ya.

"Ano yun?" tanong ko.

"(Pwede bang.. tanungin ko kung mahal mo ako?)"

Natahimik ako.

"Mahal kita.." nahihiya kong sabi.

"Di lang kasi.. ako.. ahm.. nakakahiya kasi.. di ko kayang.."

"(Natatakot ka bang bitiwin yung mga salitang yun? Natatakot ka bang masaktan?)"

Di ako sanay na ganito ang usapan namin,

"Takot ako.. aaminin ko.. ikaw kasi yung una ko.. may paniniwala pa man din ako na.. dapat yung una ko, sya na talaga.." sabi ko.

"Naiinis ako sa sarili ko kasi.. I think too much.. sabi nga nila.. kasi ang zodiac ko, Scorpio.. laging nag-iisip at mahirap magbigay ng trust sa ibang tao.. pero natatakot lang talaga ako eh.. baka kasi, pagsisihan ko sa huli.. pero magulo talaga ang isip ko kasi.. ayokong pagsisihan na mawala ka.. ang gulo ko no? Di ko na nga alam kung ano yung sinasabi ko.. wala na yata yung utak ko sa sarili ko.."

"(Ah.. ano pang.. tungkol sa'yo? Gusto kong malaman para makilala pa kita)"

"Teka.. kung ikaw din kaya? Para makilala din kita?"

"(Magkita tayo.. miss na kita eh)"

@#$%!!!

"Pero hindi ba't father's day ngay---- Oops.. so.. rry.."

"(It's okay.. So.. see you)"

"Uhm, san?" tanong ko.

"(Kung san tayo nagdate nung nasa panliligaw stage pa lang ako?)"

"Sa KFC?"

"(Yep)" sagot n'ya.

"Ok---"

"(Sana makita kitang tumawa muli.. Parang ako yung dahilan kung bakit ang lungkot lungkot mo.. Ayoko nun.. Gusto ko yung Coleen na laging tumatawa.. laging nakangiti..)"

Napatahimik ako. Ano bang pwedeng sabihin ko?

"(Natatandaan mo ba yung sa Love Radio? Sabi mo.. komunikasyon ang susi sa relasyon..)"

"Kinain ko nga ata yung sinabi ko noon.. sabagay, madali lang mag advice sa mga tao.. pero kapag nandun ka na talaga.. mahirap tandaan ang mga dapat gawin.."

"(So, kita tayo ah? Anong oras?)" tanong n'ya.

"1 pm na lang.. kwentuhan tayo ng mga bagay bagay.. Miss na din kasi kita.."

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon