17 - Mr. Rilakkuma

100K 2K 272
                                    

"Oi Coleen? Ba't gising ka pa?" tanong ni Mama sa'kin.

"Gumagawa po ng research!" sagot ko.

"Kanina pa yan ah? Ba't parang di naman nadadagdagan yang nireresearch mo?"

"Eh Mama, kaya nga research--- to search to search and search. Repeat searching over and over again" sagot ko.

"Ah sige. Matulog ka na ah. Maaga ka pa bukas."

Sinarhan naman ni Mama yung pinto. Nasa harap pa rin ako ng laptop. Dazed.

Aish! Bukas, Monday na. Di ako pinatulog nina Jonas for 2 days! Sabado at ngayon! Dapat pala di ko na lang sinabi yun! Ba't ko ba kasi sinabi pa yun? Pa'no na lang kung iwasan nya na ko?

"Aish makatulog na nga" sabi ko sa sarili ko.

2:18 am.. gising pa rin ako @#%&

Pinikit ko mata ko para makatulog ako at nagpatuloy yun hanggang sa tumunog yung alarm ko. First time kong magising sa alarm ko @#%& di ako nakatulog?! 5am na? Seryusu?

- - -

"Aga natin eel ah!" bati ni Rui.

"Aba Ui! Ang aga mo din ah" bati ko sa kanya.

Eel ang tawag ni Rui sa'kin habang Ui naman ang tawag ko sa kanya.

Nagsabay na kaming pumanhik ng hagdan. At dahil ibang section sya eh mas nauna syang nakapunta sa room nila.

Dumiretso din naman agad ako sa room namin at malalaman-laman kong ako lang yung tao sa room. Sobrang aga ko nga @#%&

Nilagay ko muna sa may silya yung bag ko. Nagsuklay din ako at saka tumayo. Napagdiskitahan kong magbura ng board.

Pshhh!!! Kaboring! Wala namang dumi eh. Uhhhh ano ba magawa? Di naman ako cleaners---- Mamasyal muna pala ako sa school!!! Tama!!!

Lumapit ako sa pinto at pipihitin ko na yung doorknob ng mapansin kong may pumipihit na.

Pagbukas ng pinto ay para akong na-istatwa sa nakita ko. Nakita nya din ako at halos di rin sya gumagalaw nung makita nya ako. Dahan dahan kong iniba ang direksyon ng mata ko at napunta iyon sa hawak hawak nya--- malaking Rilakkuma.

Napalunok ako dahil alam kong kay Niña yun. Siguro sosorpresahin nya sya kahit kahapon eh sinabi nyang pambata ang Rilakkuma.

"Aga mo ah" mahina kong bati sa kanya.

Rinig kong medyo pumiyok ako. Siguro dahil nasasaktan ako. Ano ka ba Coleen??? Ba't ka ba nasasaktan? Ni hindi nga naging kayo eh.

Patakbo akong umalis sa harapan nya. Dinaanan ko sya at saka nagtatakbo sa may CR. Nakainis lang kasi para akong ewan pero dahil alam kong wala syang pakialam, pustahan na di man lang nya napansin na paiyak na ako.

ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon